Thursday, May 10, 2012

Bayag

Para lamang sa may ganito,
Na gagamitin sa tama at matino.
Binigyan lahat ng mahal na Supremo,
Hinahayaang lang magpalambitin at nakayuko.

Maraming makakamit sa pag-gamit nito,
Kaya kung meron ka nito, gamitin ito.
Leksyon ng buhay o pag-ibig na tunay,
Tatalsik sa mukha mo pagaktapos ay maglulupasay.

Monday, May 7, 2012

Talipapa

Barya man o buo,
Basta tama at totoo.
Dismaya kung bigay ay kulang,
Katangahan naman kung bigay ay sobra ang bilang.

Kung binigyan ay dapat ipagpasalamat,
Dahil ito naman ay karapatdapat.
Dahil ang taong marunong mag-sukli,
Siguradong mas maraming suki.