Saturday, April 30, 2011

Pen Pal: Day 29

Requested for the AM shift today because of my sisters birthday. Medyo maulan ang pagpasok ng umaga pero ramdam pa rin ang init ng hangin habang paroo't parito ako sa Spa at nagbababa ng soiled towels at mineral water.

Hindi ko na nararamdaman kung weekday na ba or weekend. Ang alam ko lang, pagkatapos ng anim na araw ng training, day off.


Friday, April 29, 2011

Pen Pal: Day 28

There's something wrong with the day. Hindi ko alam pero may mga pangyayari kanina na wala sa hulog. Dahil dun, one hour ang overtime ko just to finish the routine. Ayoko i-endorse yung mga hindi ko pa natatapos na tasks kasi it is still my responsibility. Nagkasabay-sabay ang pag-aassist sa mga guest for the massage treatments sa hindi usual na oras. That caused me to move other tasks kaya napa-overtime.

Kasama talaga sa trabaho.


Thursday, April 28, 2011

Pen Pal: Day 27

My 1st month has passed. Pasahan na rin ng monthly evaluation sa supervisor. I hope my performance will be graded good.

Ang init ngayong mga nagdaang araw. Nakakatuyot.

Term of the day

BREAK-IN ( breyk-in) jar.

Kabaligtaran ng Break-out. Ito ang breatime na gagawin mo ilang oras pagkatapos mo mag-in sa trabaho. Kadalasan ay magiging doble ang kain mo dahil counted pa rin ang lunchbreak mo at PM Break.


Wednesday, April 27, 2011

Pen Pal: Day 26

Kaya ko rin gusto ang AM Shift people kasi they also share their experiences at work. Nagbibigay din sila ng mga gabay, payo, at words of wisdom to boost the morale of the team. Marami akong natututunan sa buhay lalo na kapag si Sir Vic ang nagsasalita. Every after the rush hour of the morning shift kami nagkakaruon ng sharing ng experiences and point of views in life.

Hindi porket nasa trabaho, puro trabaho lang ang gagawin, nakakasakal naman iyon. I am really thankful na ako ang naging trainee ng Spa. May tip pa kanina. Salamat po ng marami.

Term of the day:

BREAK-OUT (breyk - awt) jar.

Ang tawag sa breaktime bago ka mag-out sa trabaho. Kalaunan ginagawa kapag tambak ang trabaho at ihuhuli ang breaktime.

Kumwari, ang shift mo ay 530am-130pm. 11am-12nn ka magllunchbreak, pero may mga trabaho pa na kailangan gawin sa oras na dapat ay lunchbreak mo, hihintayin mo muna matapos ang trabaho bago ka mag-bbreak. Magugulat ka na lang, pagkatapos mo kumain, tapos na ang shift mo.

Hal:

1230 ng tanghali

FO Trainee: Uy, Spa Trainee, hanggang anong oras ka today?
Spa Trainee: 130pm.
FO Trainee: Break-out ka?
Spa Trainee: Eh may kailangan tapusin kanina eh, may guest na kailangan hintayin at may mga kailangan pang gawin na mga utos. Ayun. Break-out.

Tuesday, April 26, 2011

Monday, April 25, 2011

Pen Pal: Day 24

Back to normal ang daloy ng mga tao sa Spa. Same guests every morning and kamustahan about the weekend. Shared also my observations of what happend last saturday to the am shift people.


Sunday, April 24, 2011

Pen Pal: Day 23

Sabado. Holiday. Mid-shift. Isa lang ang ibig sabihin niyan. Sobrang daming tao.

But the thing is, the PM Shift people are not that fluid enough to work unlike the AM Shift people in the Spa. Ang ending, sa trainee ang bagsak ng lahat ng bulk ng work. The idea of having the Mid-shift ay magkakaruon ng tulungan dahil maraming tao, pero hindi ko iyon naramdaman. Naisip ko tuloy kung ano ang pinagdadaanan ng kasama kong trainee na parating naka-mid-shift.

After our shift, kinamusta kami ng supervisor namin dahil nakabreak siya. Alam kong gusto niya marinig ang side namin kasi nga sobrang daming tao nung araw na iyon. I shared na wala namang pinagkaiba sa workload kung mabigat man o magaan. It is just the same. Nagkakaiba lang on how the team players work. Inamin ko na mas ok ang morning shift people kaysa PM shift people.

To justify my stand, sinabi ko yung issue about the length of having their breaktime. Medyo matagal bumalik yung isang casual employee at yung regular employee na receptionist. Nag-domino effect kasi yung bigat ng work na dapat ay tulungan lalo pa at nung nawala sila, dun nagdagsaan ang maraming tao. As for my part, I just did my job and made the most out of it. Pero ramdam ko yung pagpapasa ng trabaho at lack of communication ng team.

Walang kaso sa akin kung hindi ako gusto katrabaho ng magiging kasama ko, pero kung oras na ng trabaho, kaya kong makipagcommunicate sa kahit kanino dahil nakasalalay na ang operations. Kung tutuusin, hindi ko na ginagawa ito para sa sarili ko. Ginagawa ko na yung bigat ng trabaho para sa mga taong nakasalalay ang mga posisyon nila sa kumpanya at ang kanilang mga sweldo.

Sinabi ko rin sa supervisor ko na kung may mga masasabi rin ang mga kasama ko sa shift tungkol sa trabahi ko, hindi ako natatakot na masabihan o masita kung may nagawa akong mali dahil kaya kong iexplain ang aking side at kayang tanggapin ang mga kaparusahan nito.

*************************************************************************************
Natest din ang pasensya ko sa mga employees na ito. Para maging malinaw ang mga naisulat ko sa itaas, ito ang mga scenario.

Act 1:

Nagkakaubusan na ng towels sa pantry. Around 5pm at may araw pa.
Trainee: Sir, malapit na maubos yung mga towels.
PM Male Attendant: sige magbababa na ako ng soiled.

Matapos ang ilang oras. Wala ng araw.
Trainee: Asan na si PM Male Attendant?
PM Female attendant/Proxy Receptionist: Kumain si PM Male Attendant.

Bandang 7pm at paalis na ako. Dumating na si PM Male Attendant.
***********************************************************************************

Act2:

Habang naglalagay ng tubig sa mini-bar. May lumapit na guest sa trainee.
Guest: anong oras nagbubukas itong gym?
Trainee: Mga 6am po. (Sabay tingin sa PM Receptionist na mahilig mag break)
Guest: ah ok. Thanks.

Pagkaalis ng guest..

Trainee: 6am diba?

PM Receptionist na mahilig magbreak: 530 kaya!? (na may tonong nakakairita)

Trainee: ay oo nga pala. pero ok lang din naman iyon, para maready yung area tska malinis pagpunta nila. (lightening up the mood ang tono kasi naghahalo na ang pagod at pagikli ng pasensya)

PM Rececptionist: hindi rin ppwede kasi yung iba maaga pumunta dito para maggym blah blah blah (na tonong nakakairita parin)

Trainee: (Sharp cut sa pagdakdak niya. Medyo nilakasan yung boses pero tonong pa-joke para malighten ang mood) Dibale, ready naman ako sa kanila (i am pertaining to my work na kapag marami nang guests, bibilisan ko ang pagaayos ng area.)

PM Receptionist: E ready ka ba kay Supervisor? (tonong nakakairita na nananakot. Pinangtakot pa si supervisor. Akala naman niya matatakot ako.)

Trainee: I am ALWAYS READY. (With conviction. habang papasok ng lockers. pag pasok ng locker..) I am always ready.. BITCH.
*************************************************************************************
That is why i love the morning shift. Walang bastusan. Walang kupalan. Walang bahid pulitika. Serbisyong Totoo lamang.


Friday, April 22, 2011

Pen Pal: Day 22

Kung anong ikinatahimik ng mga lansangan ng Ayala at Makati, iyon naman ang ikinagulo ng Pool side and Spa ng Pen. Amoy ang bango ng chlorine, Naglalakad sa basa dulot ng mga nagswimming na guests, Nagkalat na towels, at mga naglalarong mga bata... Gulo pa lang sa poolside yun..

Sa Spa, medyo bawas ang workload dahil naka-holiday ang Massage Services ng Spa.

Nakalimutan ko maibaba yung basura kahapon. Sa tono ng pagkakasabi sakin, parang nainis yung kapalitan ko ng shift. I admit na mali ko yun. I also admit na may times na nakakalimutan ko yung ibang tasks kapag napapagod or nagkakapatong-patong na But it was just the first time na nakalimutan ko ibaba yun. Dahil doon, lahat ng reklamo ng kapalitan ko ng shift, I made sure na nagawa ko kanina.

Patience and understanding na lang ang magagawa ko sa action na ipinakita niya. Bukas, magkakasama kami dahil mid-shift ako. Let's see.

Thursday, April 21, 2011

Pen Pal: Day 21

Received a tip from one of the members of the Spa. I do not usually receive tips from morning guests. Hindi rin naman ako nag-eexpect to recieve tips. Sabi na rin ni Sir Vic sa akin last week na sa gabi usually nakakakuha ng tip from guests. Kumbaga, I see it as hard-earned tip. Not that big, pero kasi I think na he understands my situation of working on a holiday without receiving compensation. He knew that I was a trainee. Every morning na andun siya sa Spa, he usually talks to me ang greet me. I felt that my work was appreciated.

Wednesday, April 20, 2011

Pen Pal: Day 20

Grabe ang intensity ng araw na ito. Extremes kung mailalarawan ko. May time kanina na wala akong ginagawa, tapos nalingat lang ako, parang kailangan ko na hatiin sa anim yung katawan ko para magawa ko ng sabay-sabay at matapos ko agad ang mga nagkakapatong-patong ng mga task.

30 minutes after the shift ang identified OT sabi ng supervisor ko.

Happy holy week.

Tuesday, April 19, 2011

Pen Pal: Day 19

Ang susunod na eksena ay Rated 'PG':

Habang naghahanda ng fruits para sa mini bar ng Spa.

Massage Therapist: Ilalabas mo pa ba tong mga to? (Habang hawak ang tatlong saging na lakatan)
AM Trainee: Hindi na po. (Habang naghuhugas ng mga mansanas)
Massage Therapist: Akin na lang ah. Hehe.
AM Trainee: Sige Po.

Matapos ang ilang sandali.. Habang tinatapos ng AM trainee hugasan ang mga natitirang mansanas..

Massage Therapist: Penge isa ah. (Kumuha ng mansanas) Bago ba to?
AM Trainee: Opo.

***********************************************************************************

Masarap pala talaga sa pakiramdam kapag may nag-ccommend ng work mo. Binati ako ng isa sa mga superiors ko about my work being consistent with the standards. Kahit may mga konting sabit akong nagagawa sa trabaho, nakakapag-pagana pa para pagbutihin ang trabaho kapag may nakakapansin talaga ng pinagpapaguran mo.

Speaking of consistent, consistent din ang OT ko since the first week. Hindi ko rin masisi dahil kulang kami sa Spa. Ngayon ko lang nalaman na kailangan pa palang ireason out at ilagay sa tinatawag nilang "OT Approval Sheet" ang mga araw na OT ka at ang dahilan kung bakit ka nag-OT. Mukhang problema to.

Monday, April 18, 2011

Pen Pal: Day 18

May special yoga classes ngayon until holy wednesday. Meaning, special set-up sa usual routine ko for the next two days.

Relax ang workday ko. Wala kasi ang bisor. Hindi ibig sabihin na nagtamad-tamaran ako. Less pressure lang siguro.

Nasita ako ng isa sa mga big bosses ng operations. Nakalimutan ko kasi itago yung pushcart sa likod. Nakaparada lang kasi sa tabi ng entrance ng Spa. I take it constructively naman at nakatulong iyon para maging alert lalo. Wala naman siyang nasabi about sa linis ng men's locker room na handle ko.

Sunday, April 17, 2011

Pen Pal: Day 17

Nagiging routine na. Medyo nagiging iba na yung pakiramdam ko. Sinasalba na lang ito ng mga kasamahan ko. I thank them na nagiging ka-shift ko kasi kung hindi sila ang ka-shift ko with the kind of routine i do, baka maging robot ako.

Kapag nasa ganitong klanseng trabaho pala, nagiging alipin ka ng oras. wala kang laban.

Sa industryang pinasok ko, hindi ko holiday ang holiday mo. may memo nang binigay ang HR sa mga supervisor ng operations at front-of-the-house departments. Sa mga casual at regular employee, double pay sila pag pumasok ng holiday. Sa aming mga trainee, may plus one point sa rating per holiday na pumasok kami. Wow naman. How thoughtful.

I understand na pinaparamdam sa amin ang uri ng trabaho na pwede namin pasukin after graduation. pero siguro naman may manipis na linya pa rin na naghihiwalay sa trainee at sa employee. pero tulad nga ng sabi ng iba, "Ganyan talaga ang buhay."

May bumubulong sakin. ang sabi niya "aanhin ko ang plus points? Pwede bang maideposit yan sa ATM account ko?"

Pagpalain sana lahat ng pagod sa Makati, Ortigas, at Maynila ngayong holy week.

Friday, April 15, 2011

Pen Pal: Day 16

It is really fun discussing things and listening to the experiences of the people in our department. Magiging realistic ka. You will learn from them at magkakaruon ka ng idea kung ikaw na ang nasa sitwasyon nila. Kumbaga, "been there, done that".

Sa kahit anong trabaho, there are rules to follow. People follow it and break it. but either way, ang importante lang naman, maging responsable ka sa lahat ng kilos at galaw mo.

May 20 pala ang renovation. May tendency kaming ilipat ng department kasi yung trabaho namin, mawawala dahil sa renovation. Nakakalungkot. Parang pinaaga yung dapat ay taning ng oras mo.


Thursday, April 14, 2011

Pen Pal: Day 15

2 weeks na ang nakaraan. ngayon ko lang naramdamang antukin the whole shift. may mali rin kanina sa pag-gising ko eh. hindi ko alam kung ano.

May iba rin akong nararamdaman about my work. Hindi ko pa sure, kapag consistent na, iinform kita.


Wednesday, April 13, 2011

Pen Pal: Day 14

Hindi pa rin matuloy yung magiging kasama ko para sa mid-shift. Ang gulo ng mga decisions sa HR office. Pero may alam akong mas magulo magtrabaho na office... Want a Clue?.. Wag na. Baka ibagsak itong prcaticum report ko.

Nakasama ko naman yung isang trainee na dapat for mid-shift. Pinakita ko kung ano yung mga dapat ginagawa first thing in the morning pagbukas ng Spa. At around 830am, pinababa na siya sa HR para i-confirm kung tuloy siya samin. Natapos na ang shift ko at may kasama pang overtime, pero hindi na bumalik.

In this stage, nasa phase na ako on how to blend in with the team. Mahirap lang kapag biglaang nag-lipatan na naman.

Sana talaga may off ako sa holy week.

Term of the day:

OT CHARITY [ ow-tee / cha-ree-ti ] abstract noun

- OT means Overtime
- tawag sa Overtime ng isang casual employee na hindi bayad ng kumpanya labag man o bukal sa kaniyang puso.

Example:
AM Shift Trainee: "Ate, out ka na?"
AM Shift Casual: "Hindi pa. OT Charity."

Tuesday, April 12, 2011

Pen Pal: Day 13

May pumalit na female trainee from the Houskeeping Department rooms division. Meron na ring madadagdag na male trainee from the Linnen Department para sa mid-shift. Medyo kabado ako kasi baka ipagpalit kami ng shift. Ayoko sa mid-shift.

Medyo disappointed din ako sa ibang regular employees specially yung nasa kuhaan ng uniforms. I admit my mistake na nagagamit ko yung uniform ng regular employees, pero hindi kasi maganda yung pagkakasabi sa akin about the issue. Wala naman ako magagawa. "Sorry Po", Pasensya Na Po", at "Sige Po" na lang ang pwede ko sabihin. Mahirap na.

Monday, April 11, 2011

Pen Pal: Day 12

Nasunog yung sauna kahapon. A walk-in guest asked for eucalyptus oil to the spa attendant and poured it in that machine. Kaya pala nung pagpasok ko, hindi masyadong good ang morning nina Sir Vic at Sir Anthony. Jacuzzi at Steam Room na lang ang gumagana. Kailangan na talaga ng renovation.

May pumuslit ng hairspray ng Spa. Hindi talaga maiiwasan ang mga g*g*ng guests. Tatlo silang amboy na anak ng mga naka-check in sa Pen. The usual prank filthy rich kids do. Kinuha pa yung susi ng locker. Buti naman binalik yung susi. Pag anak ka talaga ng mayaman, nawawala ang manners at attitude. Anak talaga sila ng mga magulang nila.

Akala ko pa naman may ka-mid shift na ako. Someone from the Lobby wants to tranfer departments, he thought sa Spa sya so nung nakita ko sya sa baba, nakabihis na sya at sinamahan ko na sya papunta sa Spa. Naturuan ko naman ng pagtupi ng bathrobe at tumulong kumuha ng twenty cases ng Viva Mineralized Water. after mga 45 minutes, pinatawag siya at HR at sinabing sa Housekeeping pala sya.

Bale, as of today, ako lang ang trainee sa department namin. May mga nagpaparamdam na gustong lumipat. Ang ayoko lang, ako ang mailaipat.

Sunday, April 10, 2011

Pen Pal: Day 11

Nung friday, sinabihan ako ng supervisor na pumasok na lang ng saturday kasi maraming tao. Lo and behold, marami nga.

May lipatan na ng mga trainees sa iba't-ibang departments. May gusto ring lumipat sa Spa. Ang hiling ko lang, ayoko malipat at madagdagan ako ng kasama. May bago rin akong makakasamang trainee na babae. Taga-front office.

Isa pang wish. Sana may dagdag ako na day off sa holy week. Kahit yung friday to sunday lang. Nahihiya akong magtanong sa supervisor.

Friday, April 8, 2011

Pen Pal: Day 10

At lunch, i heard that some of the trainees are being transferred to different departments. Others said there experiences in their present departments and gusto nila magpalipat. I respect yung mga gusto nila at mga plano nila na malipat. As for me, Ayoko na malipat. I am ok with the schedule and with my superiors and partners in the Spa.

One trainee shared na nung pinagsabihan siya, tinatakot siya ilagay sa Spa. When I heard it, medyo na offend ako at para sa department. From the way it is said, mababa ata ang tingin nung nagsabi sa department namin.

I do not see it na mababa ang department namin. I admire the Spa department kasi even though they have problems and conflicts, I can see and feel the respect of each other. Kapag trabaho, walang bastusan. Walang tapakan.


Thursday, April 7, 2011

Pen Pal: Day 9

ENDORSE [ en - dors ] transitive verb

-ginagamit para maipasa ang natirang trabaho dahil:

1. tambak ang trabaho at hindi mahati ang katawan para magawa ang lahat ng ito.
2. nagtitipid ang kumpanya kaya hindi makapagdagdag ng tao sa department kaya sagad ang pagmulti-tasking.
3. nag-breaktime ang tauhan, papalitan mo muna siya, at ang natira niyang trabaho ay maipapasa sayo.
4. tapos na ang workshift, bayad man ang tauhan o hindi.
5. may nag-absent kaya ipapasa or ipapaiwan ang trabaho.
6. tinamad na ang tauhan kaya ipapasa niya ito sa susunod na shift, same day man o kinabukasan.

Use it in a sentence:

a. Sir, ieendorse ko muna sayo itong mga bagong towels. Paki-pasok na lang sa loob.
b. Pa-endorse na lang po nung basura. Overtime na po ako. Sana po pumasok on-time yung kapalit ko. Sa pag-kakaalam ko po, sineswelduhan po siya rito.



Wednesday, April 6, 2011

Pen Pal: Day 8

I am pushing my limits each and everyday, but some people are not that competent enough to work with. Talaga palang merong mga ganitong tao. Nakakabawas ng respeto.

I will try to be a little 'relaxed' with my work. Siguro kapag makapag-retain ako ng energy, hahaba pa ang pasensya ko.

Yoga tomorrow.


Tuesday, April 5, 2011

Pen Pal: Day 8

Its my Birthday! Happy Birthday to me.

Nung wala na akong ginagawa, I had a chance to have a little chat with Cheal, the one who is stationed at the Female locker room. Nagkwentuhan kami sa common pantry sa likod. Marami pala talagang dinadaanan ang mga casual employees. Sa mga pinagkwentuhan namin, marami akong napansin at narealize about working.

Hindi lahat ng nagtatrabaho, gusto nila ang nakuhang trabaho. May mga nagtatrabaho naman na hindi sila mahal ng trabaho. Yung iba, obligado sila magtrabaho for the sake of having one. Kanya-kanyang dahilan yan. Pero isa lang ang nakikita kong panalo. Kahit anong mangyari, ang kumpanya pa rin ang panalo.

Nagkakapatong-patong yung mga task ko kanina. Im doing it one-by-one naman, kaso nakakainis kapag isinisingit na nga yung task, hindi maganda yung pagkakasabi. Kung kaya kong hatiin ang katawan ko sa apat, gagawin ko.

Bago matapos yung shift ko, kinausap ako ng supervisor ko na si Sir Anthony. Mapapaaga ang day off ko. Saturday ang day off ko at papasok na agad ako ng Sunday. Aayusin naman daw niya yung schedule ko for next week para makapag-dayoff ako ng two consecutive days.

Monday, April 4, 2011

Pen Pal: Day 7

Its just me in the morning routine. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Nagsasabay-sabay yung pag-alala ko sa mga task. Hindi ko alam kung anong gagawin. No coffee break for me.

Nabasag ko yung glass panel ng isang ilaw sa jacuzzi. O, eh ano naman. I had the guts to say what happened and I am ready to be reprimanded. I reported it to my superiors, coordinated with the engineering people, and even handled a guest complaint regarding the incident.

Nung inaayos Sir Conde na taga-engineering department yung jacuzzi, may nakita siyang nameplate ng isang employee sa ilalim ng tubig. naka-usli yung pin na pwedeng ika-sugat ng na guest na gagamit.

In situations like these, kailangan harapin mo ang mali, at hanapan ng solusyon.

Sunday, April 3, 2011

Pen Pal: Day 6

My first day of having my mid-shift. First time ko rin ma-late. 12 minutes late. Iba pala talaga ang feeling ng ma-late kapag sa work compared sa school.

Jam packed ang Spa. Siguro kasi sabado. Doble yung intensity nung work kapag weekend or kapag maraming tao sa hotel. Mayat-maya kailangan ng bagong supply ng towels, amenities sa toilet area, assist ng guest for massage treatments and sa paggamit ng wet area, at cleaning and maintenance.

Mas hiyang ako sa first shift. Siguro dahil sa alam ko na ako ang naghanda ng area that will fit for at least my whole shift or at the most the whole day. Parang i feel i am in control kapag ako yung unang nag-ayos ng area for the day. Mas mabilis rin ang trabaho dahil konti pa lang ang gumagamit ng Spa.

At dahil late ako, bumawi ako ng 6 minutes na overtime. as much as i wanted to have it longer, pinapauwi na rin ako. They are very considerate sa trainee kaya nakakahiya ma-late. Even nung lunch break ko, parang napagsabihan pa ako kasi hindi pa ako kumakain. ang sakin lang, gusto ko muna may gawin kahit konti bago ako mag-breaktime. Alanganin ang mid-shift, pag sakto ka dumating, nakakahiyang humingi ng breaktime. Kailangan maaga ka dumating to have an early lunch or mga 2pm na yung lunch mo.

PS: Day 7 ang simula ko maging Spa Attendant for the first shift. Sana maalala ko lahat.

Friday, April 1, 2011

Pen Pal: Day 5

On board on my 5th day, Sir RJ was with me in doing the morning routine in the mens locker room. Sir Leonell was assigned naman sa reception area but was still available kapag may problem.

At dahil sa pagpalit nila ng work, parang alam ko na kung anong magiging takbo ng rotation ko. Ready ako maassign sa work ng Lockers and Fitness Area. Pero yung Spa Reservations and Spa Reception Area, medyo mangangapa ako. Sabagay, day 5 palang naman. Mahaba pa ang OJT...

Kailangan na talaga irenovate yung facility. Buti lang kahit papano, tyagaan sa paglinis..

PS: Mid-shift ako for Day 6. 11am to 7pm. Sira na ang body clock ko. May service center ba para rito?