Saturday, July 30, 2011

Sisid

Sa una'y takot ang nadarama,
dahil baka malunod at ma-trauma.
Hindi ko pa lubos maintindihan kung bakit,
ngayon lang nasarapan lumusong ulit.

Lakas ng loob aralin muli,
para rin sa ikabubuti ng sarili.
Pinalampas ang dati'y pagkakataon,
hinahabol sa pangalawang pagkakataon.

Agos ng tubig tila nangaanyaya,
inaakit at nanunuksong magtampisaw at magpakasasa.
Tandaan lamang lahat ng natutunan,
Para swabe ang kahihinatnan.

Thursday, July 28, 2011

Kilig

Ramdam kapag natapos umihi,
Ginhawang dala sayo'y masidhi,
Kiliti nito'y sobrang tindi,
Hindi mapipigilan ang iyong pag-ire.

Sabi-sabi'y para lang ito sa mga dalagingding,
binatilyong nagbabago ang boses at bagong tuli.
Iba nama'y sabing ito'y para sa lahat,
malusog man o buto't balat.

Hindi mawari ang nadarama,
tuwing mahaharap sa ganitong pagkakataon.
Kuryenteng dala sa pandama,
minsan lang dumating sa mailap na panahon.

Sunday, July 24, 2011

Bitag

Ingatan ang hakbang
at baka may naka-abang.
Bawat kilos mo't galaw,
kita ko ng panakaw.

Walang kaalam-alam,
sa mga makamandag kong balak.
Mga patibong kong di mo alam,
maiipit ka't dugo'y dadanak.

Mahuhulog ka sa butas ng pagdurusa,
impiyerno'y damhin sa panlasa.
Bihag ka ng iyong kasakiman,
Dupang ka't ganid sa laman.

Lalaruin kang parang puta,
Paiikutin ka't gagawing tanga.
Mahilo ka man at magsuka,
Wala akong pakialam, Hayop ka.

Tuesday, July 12, 2011

Tamad

konting galaw, tigil.
konting kibot, tigil.
ano bang kailangan para matigil,
ang topak na nanggigigil.