Wednesday, November 30, 2011

Mata

Kamusta? Anong balita?
Alam mo bang nagawan na kita dati ng mga talata?
Yun yung mga panahong bagong laya ka at nagmumukmok pa.
Kamusta ka? Mag-isa ka pa rin ba?

Nagkakabanggaan ang mga tingin natin minsan.
Di ko alam kung ano ang aasahan.
Pero may kiliti at kaba akong nararamdaman.
Kaya naman ako'y nahihiyang magparamdam.

Malalim ka kung tumingin.
Nakakatuhog ng puso at damdamin.
Sana'y hindi ito ginagamit para makapambitin,
makapanloko man, o makapanakit.

Ingat na ingat ako ngayon.
Mahina akong lalaban kaya pinipilit maging mahinahon.
Hindi ko kakayanin kapag nangahas akong tanggapin ang hamon,
Na kita ko sa mga mata mong nanlalamon.

Mainam na sa aking nasisilayan ka ng minsan,
Para hindi umasa at mabaliw ng tuluyan.
Kung ako'y kikilalanin mo't lalapitan,
Walang problema at ako'y tatanggapin ka ng lubusan.

:)



Sunday, November 27, 2011

Mangmang

May mali pala ako,
Hindi ko alam.
Nakasakit pala ako,
Hindi ko alam.

Landas na tatahakin,
Hindi ko alam.
Ano ba ang gagawin?
Hindi ko alam.

Ano ba ang totoo?
Hindi ko alam.
Ano ba talaga ang tunay na nangyari?
Hindi ko alam.

Ano na pagkatapos nito?
Hindi ko alam.
Ano mang balak mo,
Wala akong pakielam.

Friday, November 25, 2011

Prinsipiyo. Respeto.

Parang bato, mahirap matibag.
Pagkatao't kaluluwa'y nakalatag.
Parang epoxy, mahirap makalas.
Dikit sa paniniwala ay 'di dapat magwakas.

Daanan man ng bagyo o delubiyo,
Posisiyon mo'y dapat diretso.
May mga sagabal man na babayo,
Respetuhin sila pero huwag susuko.

Pwedeng usapan ng masinsinan,
Sumang-ayon man o hindi minsan,
Importanteng ika'y buo parin at hindi nahirinan,
Baka ikay madala na kung saan.

Hindi ka man respetuhin sa kung ano man,
Ang importante ay nirespeto mo sila ng lubusan.
Sa ganoong paraan ay sayo'y walang mawawala,
Bagkus ito'y ikagaan pa ng iyong dinadala.

Punto

Malabo. Magulo.
Mausok. Nakakalito.
Ano ba ang gusto?
Hiling ay maging sigurado.

Magplano. Nakakakiliti sa pag-iisip.
Kung paano? Nakakapagod mag-isip.
Ramdam lang na andyan sa tabi.
Lakas ng loob iniipon araw at gabi.

Walang kasiguraduhan. Hindi alam ang aasahan.
Ipinadadaan na lamang sa pakiramdaman.
Anong daan man ang tahakin o daanan,
Sisiguraduhin kong gusto ko ang makakamtan.

Totoong may gusto akong mapatunayan,
Para malaman kung kaya kong makipagsabayan.
Mahirap lumaban kapag mahina akong lalaban,
Dahil walang matibay na pundasyon para sarili'y maprotektahan.

Tingin mo'y sarili ko lang ang iniisip ko.
Sa tingin mo ba'y masasagip mo ako?
Kung oo, salamat at ika'y naging aking kaakibat at karamay.
Kung hindi nama'y ikaw pala ang naging mortal na kaaway.

Ito ay para sa akin, sa sarili, at sa kapakanan ko.
Produkto nito'y para sa mga taong malapit at mahal ko.
Kailangan at dapat kong gawin ito.
Dahil alam kong sa huli, walang tutulong sa akin kung hindi ako.

Epal

Sino ka?
Hindi kita kilala.
Anong pakay mo?
Sabihin mo ng diretso.

May nakalatag akong plano.
Kongkreto at sigurado.
Kahit saan man dumiretso,
Isinaalang-alang ko ay ako.

Gulo man ito o laro,
Sarili kong utak ang magpaplano.
Bawat salita at galaw,
Tantsado ko ng malinaw.

Klarong sumulpot kang kung saan,
Isang kang bagay na sa harap ay dumaan.
Sayo nanggaling ang simula,
Pagtatapos nito'y huwag na huwag mo sa akin iaasa.

Itaga mo sa bato.
Iukit mo man sa puno.
Huwag mong asahang sa akin mapuputol,
Itong lubid na kinabit mo sa akin at binuhol.

Sunday, November 20, 2011

Mag-isa

Kailangang maging handa, kailangang maging alerto.
Sa kabanatang itong hindi alam kung ano ang sigurado.

Simpleng mga bagay ang nais, ngunit bakit kumplikado kung ituring?
Dahil ba hindi kapani-paniwala o dahil ba hindi kaaya-aya sa pandinig?

Pinili ang landas na ito dahil kailangan siguro.
Mga bagay na dapat mag-isa kong harapin para matuto.

Tibay ng dibdib, baga, sikmura at iba pa ang sinasanay,
Maging matatag lang sa mga bagay na babayuhin ka ng tunay.

Kapalit ng mga ito ay sakit, hapdi, pasa, at luha,
Na sana ay ang resulta nito'y kilig, ngiti, saya, at ligaya.

Sa ngayo'y mukhang mangmang at parating tulala,
Aligaga, nawawala, at nakanganga.

Humihiling sa darating na panahon makaahon,
Bago pa malunod at anurin na ng alon.