Sunday, April 8, 2012

Kilometro 22

Sa mga aking napagdaan, wala ng maibabalik pa,
Sana ay pwede maitama, pero siguro ang paraan ay iba.
Pakiramdam ay may halong lungkot at saya,
Dahil na rin nabubuhay sa mundong patas ay wala.

Lungkot dahil sa mga dinanas na sakit,
Pisikal, emosiyonal, personal.
Mga aral ay minsay hindi natuto,
Pero unti-unti ko na itong nasasaulo.

Saya dahil sa kabila ng lungkot,
Mga taong malapit sa puso ay andyan para sumundot.
Ipaalala na sila ay nandiyan,
Kahit na saktan ka nino man.

Ngayong nasa sitwasyong ang may hawak ng manibela ng buhay ko ay ako,
Ang parati ko lang iniisip ay kung paano ko nalagpasan ang mga naibigay sa aking kalbaryo.
Alam kong hindi ko malalagpasan ito ng wala ang mga taong nagpapayo at patuloy na nagtuturo,
Kaya ako ay nagpapasalamat at talagang pahahalagahan ko hanggang sa huling hininga ko.

Doble Kara

Ang bawat isa ay may dalawang mukha,
Masaya-malungkot, nagwagi-nabigo.
Natikman ang tamis at pait,
Sa mundong may langit at may pasakit.

Lahat ay dumaraan sa magkabilang-panig
Kadalasa'y nababaliw at balahibo'y naghuhumindig.
May mga mapalad na ngiti ay hanggang langit,
May mga sawimpalad na sinapit ang lungkot na nagngingitngit.

Sa puntong dinanas ang magkaibang mundo,
magkaibang sitwasyon, o magkaibang sinaryo.
May mga mapupulot na aral sa bawat panig nito,
Masama man o mabuti, makakapanakit man o makakapagpa-ibig.

Paraiso

Mahaba ang daan,
Parang hindi nauubusan.
Swabe na may biglaang lubak,
Patutunguhan ay siguradong tiyak.

Katas ng pagpupursigi,
pagmamahal, at pangangarap.
Heto ngayon sa aking harapan,
Biyaya ng masusing pinagpaguran.

Noong maliit pa'y hambing sa isang kaharian,
Lugar na pupuntahan kapag pagod sa nakasanayan.
Umaga ay magaan at tanghali'y maalinsangan,
Dapithapon ay langit hanggang gabi ay sumapit.

Lumipas ang maraming taon,
Matagal na hindi pumaroon.
Maraming binago at nabago,
Hindi lang sa anyo ngunit pati na rin ang samyo.

Ngayon ay narito na maraming dala,
Alaala na may pait at saya.
Panahon para makabawi sa nagbigay ng biyaya,
Gagawin ang lahat para ito'y mapanatiling may alaga.

Monday, April 2, 2012

Tiis. Ganda.

Luwagan ang sintas,
Higpitan ang sinturon.
Tantyahin ang paghinga,
Ayusin ang postura.

Ipakitang kaya mo magdala,
Kahit alam mong hirap ka na.
Dahil pag nasanay na,
Sakit ay manhid ka na.