Sunday, June 26, 2011

Landi

Masidhi. Makate.
Umaatikabong Landi.
Higad. Parang kiti-kiti,
Kilos mong parang naiiihi.

Boses ay iniimpis.
Suot ay manipis.
Lakad ay padaplis.
Ngiti ay matamis.

Hiling sana'y mapansin,
Angking tanga-tangahan at kagagahan.
Swerte kung maging magkaibigan,
O mas panalo kung magka-ibigan.

Minsan sa larong ito,
Maaring may panalo o talo.
Tabla minsan ang resulta,
Basta ba enjoy lang at walang sakitan.

Monday, June 20, 2011

Hithit

Before anything else, ako nga pala ang bunso mong anak. Nung huli tayong nagkita, 9 lang ako nun. 21 na po ako. Madami rin akong tanong eh kagaya ng asawa mo at iba mo pang anak. Nagmamadali ka kasi. Pareho kayo ng asawa mo. Parating parang may hinahabol, may pinapaspasan. Eh ano bang nakanampuchang ipinagmamadali niyo?!

Kung hindi ka nagmadali, malamang yung panganay mo, idol na idol ka. Isama mo na yung panganay mong babae na ikaw lang ang pinapakinggan. Yung pangatlo na malamang nag-eenjoy ng pagkadalaga, at ako itong sigurong takot pa rin sayo.

Kung hindi ka nagmadali, wala sanang nangengalam ng pinaghirapan niyong mag-asawa. Wala yung putanginang epal na manggagamit at opportunistang gago na akala niya matatakasan niya ang mga multo niya sa buhay. Multuhin mo nga.

Kung hindi ka nagmadali, takot kaming lahat at "matino" kami.

Kung hindi ka nagmadali, makakasabay din ako sa kung anong naranasan ng panganay mo nung nagbibinata siya. Yung kung paano mo sya murahin habang tinuturuan mo magmaneho. Yung kung paano magplano sa pwede kong gawin pagka-graduweyt.

Eh sa tanginang nagmadali ka. Wala naman akong magagawa kung yun ang gusto mo. Planado mo eh. Ang sakin lang, hindi mo man lang ako naisip? Kaharap kita nung mga huling sandali mo bago ka umalis. Langhap langhap ang usok galing dyan sa putanginang Marlboro Reds na kaninang tanghali mo pa hinihithit. Mang-iiwan ka na nga lang eh, iniwanan mo pa ako ng trangkaso. Ni wala ka man lang huling habilin. Kala mo sakin, maledukado?! Sabagay, ano ba ang aasahan mo sa isang nuebe anyos. Pero kasi, ang kinaiba ko lang sa ibang nine year-olds, anak mo kaya ako.

O nga pala, may namana naman ako sayo eh. Masarap pala yang hinihithit mo nung huli tayong nagkita. Iba nga lang yung flavor nung akin. Gusto ko kasi nung may nararamdaman. Kaso Reds ka eh. Yung mainit. Sing init ng ulo mo dahil malamang sa hanapbuhay at sa iba pang bagay na ikaw lang rin ang nakakaalam.

Ayun lang. Habang sinusulat ko ito, puro "sana", at "bakit" lang ang nasa utak ko. Kaso masyadong pang teledrama ang atake. Kahit naman matapos ko itong blog entry na ito, hanggang doon lang rin naman yun.

Happy Fathers' Day.

Sunday, June 19, 2011

Belat

Hindi mo man ako maalala,
O ayaw mo man ako maalala.
Ako ang nakaraan na nagpapaalala
Na minsan ay sinaktan mo ng sobra.

Swerte ko, Malas mo.
Masaya ako at ngayo'y buong-buo.
Ikaw itong namamalimos sa kanto,
Pagmamahal na taus-puso.

Landas ma'y minsang nagpapangabot.
Na hindi mo malay at abot.
Kita ko sayo'y nagnanaknak ng lungkot
Habang sa piging ay pakembot-kembot.

Sa panahong mabilis ang balita,
Kita pa rin ang dating mong ginagawa.
Wala kang bayag na maipakita,
Duwag ka't hindi makapagsalita.

Pareho tayong tumatanda.
Swerte kong ikaw ay nauna.
Dahil ako'y tumatandang puno ng pag-asa at saya,
Habang ika'y nagpapakasaya mag-isa.

Kahit san ka man mapunta,
magpakawala, magpakasasa.
Sumpa ko sayo'y sinusundan ka't lalamunin ka,
Hanggang sa harap ko'y lumuhod ka't magmakaawa.

Saturday, June 18, 2011

Kulit

Paulit-ulit. Paulit-ulit.
Mayroong napapangiti, mayroong ding ulong umiinit.
Kung nasa hulog ay tuwa ang madarama.
Kung wala nama'y puso ang luluha.

Lunas sa ulit na makulit,
Pasensyang hindi napupunit.
Pasensya'y minsang umiinit,
Kulang na punan ang makulit na paslit.

Di alam ang gagawin.
Minsa'y kailangang sandaling tumigil.
Wag masamain ang hindi pagpansin,
Dahil alam ko ang galit ay gigil na gigil.

Hinihintay na humupa ang ulan,
Lalo na't nanghihina at walang pananggalang.
Humanda at pag ika'y niyakap
Di pakakawalan kahit makarating sa alapaap.

Thursday, June 16, 2011

Sorry

Parehong talo, Parehong panalo.
Sa pag-ibig na ganito, walang makakahinto.
May takot at pangamba sa bawat minuto,
Minsa'y nagkakamali para matuto.

Bigayan, swapangan, tampuhan, suyuan,
Hiling ko lamang ay ang puntong tayo'y nagmamahalan.
Dumaraan sa malubak na daan kung minsan,
Sarap ng pakiramdam pag kasama ka sa sukdulan.

Ako'y humihingi ng tawad, paumanhin, at pasensya.
Kahit minsa'y mahirap ilabas kahit itaktak pa.
Ang pagkapit ko lamang sa ating sinumpaan,
Ang siyang aking lakas para kita'y mahalin pa ng lubusan.

Wednesday, June 15, 2011

Tengga

Simula na ng nagbabadyang katapusan,
Pahingay matitikman kapalit ng trabahong puspusan.
Sa umpisa'y hirap ang dinanas,
Nalingat lang ay ala-ala na lang ang katumbas.

Ngayong tapos na ang hirap
at ninanamnam ang konting sarap,
Bukas ay hindi alam ang hanap
pati ang gusto sa hinaharap.

Pagod pa mag-isip,
Kaba'ng nasa likod ng isip.
Habang matagal pa bago mahasa muli ang isip,
Hayaan muna ang katawa't isip ay umidlip.

Tuesday, June 14, 2011

Pen Pal EXTRA

After ng last day ko, diretso ako ng CamSur. Bakit ba... gusto ko magbakasyon.

Lutang pa rin ako dahil kanina lang nagttrabaho ako ng walang pag-iimbot at walang bayad. Samahan pa ng mga masasayang mga kaibigan sa loob ng pinagttrabahuhan. Ngayon, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin after ma-endo. Sinisingil din ako ng katawan ko sa mga utang na tulog ko sa mga nakaraang buwan. Kaya ko naman. Wala lang sanang magmamadali. Mahina pa ang kalaban.

Sa sobrang pagod ko, nagsasalita na pala ako sa pagtulog ko. Habang kasama ko ang ano ko sa pagtulog, nasabi kong "Soiled Linen" at "Keycards" habang natutulog. Grabe pala talaga ang impact ng pagod ko sa pen. Pucha.

Nakakalungkot lang dahil na-endo ako sa Pen ng may mga umalis rin at may mga issues ang aking mga kaibigan/kasamahan sa trabaho.Masakit dahil napalapit na rin sila sakin at sila ang mga halimbawa na gusto kong makatrabaho in the future. Naisip ko rin kasi na paano kung ako ang nasa posisyon nila... I feel for them at mas nagpalala pa ng lungkot ko ang pag-alis nila na hindi man lang nagpang-abot sa pag-alis namin.


Friday, June 10, 2011

Pen Pal: Day 65

Last day. Ramdam ko talaga na last day ko. Ramdam ko rin ang lungkot dahil kasama talaga sa buhay ang pamamaalam.

Huling breakfast ko kanina, hindi ko nakasama ang mga ka-morning shift ko. Inalala ko na lang lahat ng kulitan namin kahit na puyat kami at may haharapin pang trabaho sa buong araw.

Huling pagbaba ko ng soiled towels sa laundry. Naalala ko ang hirap at pagmamadali sa pagkuha ng bagong towels dahil parating nagkakaubusan.

Huling lunch ko sa AM Shift. Wala ako gana dahil sa pag-alis ko, hindi na katulad ng dati ang pakiramdam sa aming department dahil sa pagkawala ng mga naging kasama ko.

At sa huli, Nagpasalamat ako sa lahat ng tao sa aming department dahil hindi lang ako natuto sa trabaho, natuto din ako harapin ang realidad ng buhay.

Pen Pal: Day 64

Second to the last day sa Pen. Mixed emotion going on.

Pagod. Dahil sa workload itself. Kasama na dito ang stress physically, mentally, and emotionally.

Puyat. Kaka-overtime.

Saya. Dahil napunta ako sa department na nirespeto ako kahit trainee ako.

Excitement. Dahil matatapos na rin ang Pagod at Puyat.

Lungkot. Dahil mananatili na lang sa aking alala ang Saya ng buong hospitality internship experience ko sa Pen.


Thursday, June 9, 2011

Pen Pal: Day 63

Had our send off party for our batch and it was quite fun. Kita sa lahat na stressed sila sa OJT at the same time excited and happy with the 3 month hospitality internship.

We also had some sort of a culminating activity sa aming department. Kahit maraming issues na pinagdadaanan namin, I really feel that pamilya sila dito sa department na ito. Hindi ako nakaramdam na na-left out ako bagkus marami akong natutunan sa mundo ng pagttrabaho at ang realidad nito. Ang mga realidad na ito ang hinding hindi matututunan sa kahit anong paaralan o mababasa sa kahit anong libro.

Nasabi ko na rin dito na mababa ang tingin ng ibang department sa amin, pero hindi ako nahihiyang ipagmalaki sila sa ibang department dahil sa respeto na ibinibigay nila sa aming mga trainee.

Tuesday, June 7, 2011

Pen Pal: Day 62

We got our last evaluation sa aming supervisor and the grade was ok. better than the first evaluation. napagusapan na rin namin ng one-on-one ng supervisor ko about my stay, the employees, the work, and the department as a whole.

Bilib ako kay sir dahil despite all the sh*t that we encounter every single day since we transferred upstairs, he still have that positive outlook in what his department will have each and every single day. Kunsabagay, yun lang rin talaga ang magsasalba sayo to keep you going kung parating negative na lang ang dumarating sayo. Dapat na sigurong patayuan ng monumento si sir.

Pen Pal: Day 61

Ramdam ang hirap ng workload kapag may hindi pinapasok na casual employee. Sila kasi ang talagang nakatoka na magturo sa mga bagong trainee.

Medyo ramdam ko na rin ang pagod ng pag-oovertime. Dibale, konti na lang.

Sunday, June 5, 2011

Pen Pal: Day 60

Nagstraight shift ako para sa paghahabol ng practicum hours.

Ngayong matatataos na ako sa OJT, andami kong narealize about the workforce and life at work. I am really thankful that with all the stress at pagod na dinanas ko sa OJT, ang mga "kuya" at "ate" ko sa Spa ang tumulong sa akin na makita ang realidad ng buhay trabaho. Nakakakaba dahil ilang buwan na lang rin at papasok na rin ako sa paghahanap ng trabaho.

Pen Pal: Day 59

Kahit na trainee ako, I see the reality in the workforce kapag nakikita mo ang ibat-ibang issues sa mga taong nakapalibot sa department mo. May competitive na wala sa lugar, may sipsip, may abusado, may plastic, may maangas. Ang hirap sa systema ay hindi madaling mangatwiran o ipagtanggol ang sarili. Nagkukulang sa pakikinig ng saluobin at nakakapagbitiw ng masasakit na salita.

Pen Pal: Day 58

Overtime still going on. Nagkakagulo sa aming department among employees. Pansin ko lang, since lumipat kami sa temporary location namin, ang gulo ng lahat. Wala masyadong ginagawa. Nakakabaliw. Hindi plinano ng mabuti ang mga gagawin sa paglipat namin sa 3rd floor. Lahat damay.

Wednesday, June 1, 2011

Pen Pal: Day 57

I am doing lesser work lately. Marami na kasi kami sa department. Kailangan maipasa na ang mga natutunan ko sa mga trainee. Kung tutuusin, hinihintay ko na lang ang last day. Challenge lang ay mag-overtime para maabot ang 600 hours.