Saturday, December 31, 2011

Kwitis

Iputok mo sa loob,
Basta akin ka ng buo.
Dahil ganoon din naman ako,
Kaya bakit ka nag-gago?

Iputok mo sa labas,
Dahil wala kang habas.
Lima man ang iyong katumbas,
Sayo'y wala akong pakielam, hudas.

Iputok mo sa gilid,
Para madaling isilid.
Masayang pagsasamahan markado sa isip,
Kaya mata'y baka mangilid.

Iputok mo sa mukha,
Para madama ang ligaya.
Meron man ako o wala,
Andyan ang masidhi niyong pagpapaalala.

Sunday, December 25, 2011

Pusta

Maraming pwede pagpilian,
Nasa sa iyo kung hanggang ilan.
Matibay ba ang sikmura at laman?
Dahil sa una ito'y aliw at nakakadarang.

Isiping mabuti kung ano ang pinapasok,
Matuto sa lahat ng naging mga pagsubok.
Kung handa na ang sarili sa ganitong karera,
Mag-inat-inat na at maghanda.

Ipunin lahat ng lakas at tikas,
Talino mong pambihira, at mahabang pasensya.
Ayos kung swerte ay marami ka,
Baka sakaling tumama ka.

Magdasal ka na ng malakas,
Galingan mo rin sa pag-iwas.
Akala mo ay abot-kamay mo na,
Yun pala'y yari ka sa maling akala.

Kutob mo'y minsang guguluhin ka,
Dahil gusto mo'y dapat sundin ka.
Kung tama ang iyong hinala,
Kaya mo bang harapin ng una mukha?

Kung oo, sana ay ikaw ay magtagumpay,
Namnamin ang bawat patak at maglaway.
Kung hindi, ilabas ang armas kung kailangan,
Dahil kung wala kang laban, pupulutin ka sa kangkungan.

Palasyo

Dito sa pagkalaki-laking kaharian,
May hari at reynang nagmahalan.
Nagtatag ng kanilang hacienda at iba pang ari-arian,
Nakabuo ng mga alyansang matatag, at malawak na hukbong sandatahan.

Biniyayaan sila ng Poong Maykapal,
Apat na supling na nabuo sa pagmamahal.
Ikaw, siya, yung isa pa, at ako,
Tayo ang kumumpleto sa kahariang ito.

Malalayo man ang agwat natin,
Hindi ito naging balakid sa atin.
Nagdaan lahat sa kulit at asaran,
Kahit anong mangyari walang iwanan.

Problema sa bawat isa ay di maiiwasan,
Kasama naman iyan sa ating pagdaraanan.
Gabay galing sa hari at reyna na ating mga magulang,
Hindi sila perpekto pero kailanma'y hindi sila nagkulang.

Dagok sa buhay ay hinagupit na tayo,
Minsa'y nagtanong tayo kung bakit nagkaganito?
Nilisan tayo ng ating mahal na hari,
Iniwan ang kanyang pinakamamahal na reyna, ang kaharian at kanyang mga pag-aari.

Nagkawatak-watak dahil sa bagay na hindi napagtanto,
Umabot pa sa hidwaan, giyera, at gulo.
Tunay ngang dumarating ang mga bagay na ganito,
Ipinapaalala na dapat tumibay lahak tayo.

Ang mga bagay na iyon ay hindi na mabubura,
Kahit anong pilit baguhin, lahat ay nariyan na.
Pagusapan natin lahat at tayo'y magkakaintindihan,
Magkasakitan man, lahat tayo'y galing sa iisang laman.

Hiling sanang hindi tayo matulad sa ibang kaharian,
Nagpapatayan sa kayamanan at sakim sa kapangyarihan.
Isa man sa atin ay saktan ng hindi kilalang lapastangan,
Likas na sa ating tayo'y magdadamayan.

Kakaibang galak ang nadarama kapag tayo ay buo.
Hindi maikakaila sa mata ng ating mahal na reyna.
Ramdam rin natin na kahit sa lahat ng mga dilubyo,
Hindi man makalimutan, hatid nito sa atin ay lubos na ligaya.

Malupit ang pagmamahal na ipinamana ng hari at reyna,
Tumatak sa bawat utak natin at mga kaluluwa.
Mga natutunan natin ay siya ring ipamamana natin,
Sa mga susunod na angkan pagkatapos natin.

Monday, December 19, 2011

100 Things-you'll-miss List

1. the understanding mind
2. the sweet smile
3. the virgin lips
4. the wild tongue
5. the smooth neck
5. the tits
6. the loving heart
7. the cuddly waist
8. the ...
9. the tight ass
10. the perfect legs
11. the imperfect toenails
12. the silky skin
13. the bi-polar-ish hair
14. the gentle hands
15. the eye contact
16. the keen listening ears
17. the cute nose
18. the cheeks. and the cheekbone
19. the pits
20. the sexy back!
21. the promising chest
22. the baby fats
23. the quality of the body's patience
24. the wit
25. the humor
26. the vitality
27. the energy
28. the stamina
29. the horsepower
30. the sweat
31. the scent
32. the dirt
33. the tears
34. the cuddle
35. the kiss
36. the fuck
37. the suck
38. the hands touching
39. the caressing
40. the tickles
41. the tight grip of hands
42. the kiss on the forehead
43. the kiss on the hand
44. the bite
45. the "gigil"
46. the appetite
47. the taste
48. the act of being legally flirty
49. the sensual/funny dance moves
50. the laugh
51. the teasing
52. the giving
53. the taking
54. the security
55. the trust
56. the convenience
57. the pleasure
58. the fun
59. the sadness
60. the concerns
61. The i-miss-you's
62. The i-love-you's
63. the spur of the moment
64. the sacrifices
65. the rewards
66. the problems
67. the solutions
68. the compromise
69. the surprise
70. the i-know-at-the-end-of-the-day-im-not-alone-and-lonely
71. the confidence
72. the bitching out
73. the territory safekeeping
74. the redeeming thy self shit
75. the hurt
76. the silence
77. the insults
78. the self-issues that affects 'us'
79. the taking-me-for-granted
80. the pissing-me-off-bitch
81. the turning tables
82. the stress
83. the escape
84. the plans
85. the place somewhere only we know
86. the stupid things
87. the risks
88. the fear
89. the cheating
90. the pushing-me-away shit
91. the ego feeding actions
92. the school wars
93. the self-pity shits
94. the what-if's
95. the how-to's
96. the what-not's
97. the whereabouts
98. the achievements
99. the heartbreak
100. the what might have been.

Saturday, December 17, 2011

Blanko

Ano bang dapat ilagay?
Ni-isang letra walang nakalaylay.
Dulo ng panulat may hindi maidikit,
Walang ni-isang patak ang nagamit.

Walang lumalabas sa isip,
Kahit maraming nakikita'y mata'y nakapikit.
Maraming pumapasok sa pandinig,
Lalabas rin at latak ay walang sumabit.

Papel ay malinis.
Sing puti ng budhi.
Balak mo mang rumihan,
Walang ganang subukan.

Tuesday, December 13, 2011

Tansan

Minsan ang panuto nitoy ipunin,
Minsan'y surpresa nitoy nasa ilalim.
Walang masama magbaka-sakali
Wala namang mawawala sa huli.

Suntok sa buwan ang pagkapanalo,
Para kang tumataya sa lotto.
Pag itoy nakuha mo,
Gusto mo'y magkakatotoo.

Hindi na minsan batid ang produkto,
Patimpalak na lang minsan ang nasa ulo.
Na-aadik sa paggastos dito,
Umaasa na maka-jackpot sayo.

Ihanda ang sarili sa bawat pagbukas nito,
Premyo mo ay agad bubulaga sayo.
Ihanda mo rin ang sarili mo.
Dismaya ng wala namang nakasulat dito.

Saturday, December 10, 2011

Pasensya

Bago umpisahan ang simula,
Kailangan munang tumingala.
Hihingi ng patawad at pasensya,
Sa mga situwasyon at eksena.

Pasensya at ako'y nagmahal ng sobra,
Pasensya na dahil ganoon ako talaga.
Pasensya na't minsa'y tanga.
Tao lang ako talaga.

Pasensya sa mga nabitawang salita.
Ang mga iyon ay hindi sadya.
Pero iyon ang kailangang ipakawala,
Dahil sa mga naramdama'y malubha na.

Pasensya sa mga taong napagbalingan,
Alam kong ako'y inyong naiintindihan.
Mga tengang nakinig at labing marahan,
Ipinakita niyong kayo ay talagang kaibigan.

Pasensya sa mga elemetong dumaan.
Wala kayong alam kaya hindi naintindihan.
Ayos lang dahil may natutunan naman.
Pero sa buhay ko ay hindi na muling makakaraan.

Pasensya na sa aking katawan.
Alam kong ika'y aking napapabayaan.
Ramdam ko ang paninikip ng pakiramdam.
Sa dahilang marami lang akong dinadamdam.

Unti-unti akong babawi,
Sa kaibigan man, sa sarili,
At sa kung sino mang magawi,
Sa kalye ng buhay kong sawi.

Friday, December 9, 2011

Simula

Sana ito na.
Dapat ito na.
Dahil kung hindi pa.
Baka hindi matuto na.

Isa hakbang. Isang hinga.
Buti ang panaho'y nakisama.
Sa ngayo'y walang kasama.
Takdang oras siguro ay meron na.

Unti-unting tapusin.
Mga gabing salat sa pansin.
Sarili ay dapat linisin.
Mga dumi ng kahapon ay alisin.

Kaba ng bukas ay paparating na.
Paghahanda ay dapat ngayon na.
Kung paano ba o anong kailangan pa?
Basta lahat iyon ay ngayon ang simula.

Tuesday, December 6, 2011

Prudukto

Sabihin mo sakin, ano ito?
Basura ba 'to o trapo?
Ginamitan ba ng isip ito?
O talagang basura ang laman ng utak mo.

Huwag ipilit ang dapat na ipinagbibigay-alam,
Para hindi masayaran ng pagkasuklam.
Handa ka dapat marinig ang masakit,
Lahat ng salitang mapanglait at mapait.

Magiging handa ka lang kung,
kayang mong ipakita sa mga gunggong,
ang punto mo'y may basehan,
haluan mo pa ng paninindigan.

Importanteng may malinaw na direksyon,
Kung hindi sigurado, magtanong.
Hindi kailangan ipamalas ang dunong,
Kung hindi naman talaga marunong.


Siguro

Siguro nga takot na ako.
Siguro nga napagod ako.
Siguro nga nahilo ako.
Sa mga pag-ikot mo sa ulo ko.

Takot ako kasi hanggang sa huli,
tunay ngang hindi mo nasubukang umintindi.
Napagod ako kasi todo bigay sa hilig,
Umasa lang siguro na may kapalit.

Nahilo ako sa pag-ikot mo ng mesa.
Alam kong alam mo ako dapat ang nasa kabisera.
'Sorry ko' sa dapat na 'sorry mo'.
Nakakayurak ng pagkatao.

Kaya huwag magtaka kung bakit ngayo'y sinto-sinto,
Huwag din magulat kung baliw akong umakto.
Dahil kung tatanungin mo ko,
Papaulanin kita ng 'siguro'.

Monday, December 5, 2011

Utak

Alam ko. Pinili ko ito.
Alam ko. Paninindigan ko ito.
Alam ko. Masakit ito.
Alam ko. Iiyak rin ako.

Alam ko. Wala na akong magagawa.
Alam ko. Wala ka ring magagawa.
Alam ko. Mahirap ibalik.
Alam ko. Hanggang ala-ala lang ang tamis ng halik.


Sunday, December 4, 2011

Time Out

Naghihitay. Nag-aabang.
Meron bang aasahan?
Napupuyat. Nahihibang.
Di isisisi sayo ang kasalanan.

Parang liga ng koponan,
Umuuwing luhaan.
Pero ganon talaga ang laban.
Walang may alam ng kahihinatnan.

Bibigyan ang sarili ng pahinga,
Para maka-ipon muli ng hininga.
Nag-ubos oras, lakas, at pera,
Sa isang bagay na bago lang sa pandama.

Siguradong darating muli ang ganitong sitwasyon,
Ayos lang dahil sarili'y binigyang panahon.
Panahong mag-isa, mag-isip, at mahimasmasan,
Para maging handa na uli harapin kahit sino man.

Pagitan

Posisyong hindi maintindihan,
Sa kaliwa ba o sa kanan?
Mainit ba o malamig sa kalamnan?
Pero ang hanap ay maligamgam.

Astang sosyal pag jologs ang kasama.
Pusturang jologs naman kung sosyalan na.
Basta ba dala ang sarili sa twina,
Walang natatapakan at nasasagasa.

Hindi malinaw kung langit ba pag nasa gitna.
Hindi kasi sigurado ang gustong timpla.
Masaya dahil lahat ay kaya,
Masaya pa rin ba kapag ang gusto'y di makuha?


Araw

Numero kung ipakita ng kalendaryo,
a-trenta o a-trenta y uno ang dulo,
Minsan ay kulang ang bilang nito,
Bente nueve man o bente ocho.

Hati lahat ito sa pito,
Pahalang nito'y apat na diretso.
Labindalawa kung igugrupo mo,
Nauubos na parang upos ng sigarilyo.

Buhay natin ay dito tumatakbo,
Umaayon kung paano gagamitin ito.
Hihintayin mo man o papaspasan mo,
Bawat isa nito'y dadaan panigurado.

Thursday, December 1, 2011

Baliw

Nahihiya pag andiyan ka.
Hinahanap pag wala ka.
Iniisip ka kahit karapatan ay wala.
Nag-aalala kahit na nagmumukhang tanga.

Pakinang-shiyet, ano ba ito?
Mukha akong nakatira ng bato.
Nauulol kapag mga tagpo natin ay sinasa-ulo.
Sana kahit papano dumaplis man lang ako sa isip mo.

Isipin mo ng "Sino ba yan?",
"Mukhang tanga", o "May gusto sakin yan.".
Pero sana hindi mo masamain,
Humihingi ng pasensya at ako'y nahulog sa iyong mga tingin.

Iba

Iba na pala talaga.
Hindi na katulad na kinaginasnan.
Iba na pala talaga.
Hindi alam kung paano sisimulan.

Kailangan baguhin ang nakasanayan.
Para may bagong mga aral na matutunan.
Parang tinapon ako sa nakaraang dapat na sinumulan.
Mga bagay na dapat inuna munang pag-aralan.

Bago sa mga bagay na ganito.
Paano ko ba sisimulan ito?
Ang alam ko lang hindi ako pwedeng huminto.
Hiling ko lang huwag humatong sa pag-iwas at paglayo.

Wednesday, November 30, 2011

Mata

Kamusta? Anong balita?
Alam mo bang nagawan na kita dati ng mga talata?
Yun yung mga panahong bagong laya ka at nagmumukmok pa.
Kamusta ka? Mag-isa ka pa rin ba?

Nagkakabanggaan ang mga tingin natin minsan.
Di ko alam kung ano ang aasahan.
Pero may kiliti at kaba akong nararamdaman.
Kaya naman ako'y nahihiyang magparamdam.

Malalim ka kung tumingin.
Nakakatuhog ng puso at damdamin.
Sana'y hindi ito ginagamit para makapambitin,
makapanloko man, o makapanakit.

Ingat na ingat ako ngayon.
Mahina akong lalaban kaya pinipilit maging mahinahon.
Hindi ko kakayanin kapag nangahas akong tanggapin ang hamon,
Na kita ko sa mga mata mong nanlalamon.

Mainam na sa aking nasisilayan ka ng minsan,
Para hindi umasa at mabaliw ng tuluyan.
Kung ako'y kikilalanin mo't lalapitan,
Walang problema at ako'y tatanggapin ka ng lubusan.

:)



Sunday, November 27, 2011

Mangmang

May mali pala ako,
Hindi ko alam.
Nakasakit pala ako,
Hindi ko alam.

Landas na tatahakin,
Hindi ko alam.
Ano ba ang gagawin?
Hindi ko alam.

Ano ba ang totoo?
Hindi ko alam.
Ano ba talaga ang tunay na nangyari?
Hindi ko alam.

Ano na pagkatapos nito?
Hindi ko alam.
Ano mang balak mo,
Wala akong pakielam.

Friday, November 25, 2011

Prinsipiyo. Respeto.

Parang bato, mahirap matibag.
Pagkatao't kaluluwa'y nakalatag.
Parang epoxy, mahirap makalas.
Dikit sa paniniwala ay 'di dapat magwakas.

Daanan man ng bagyo o delubiyo,
Posisiyon mo'y dapat diretso.
May mga sagabal man na babayo,
Respetuhin sila pero huwag susuko.

Pwedeng usapan ng masinsinan,
Sumang-ayon man o hindi minsan,
Importanteng ika'y buo parin at hindi nahirinan,
Baka ikay madala na kung saan.

Hindi ka man respetuhin sa kung ano man,
Ang importante ay nirespeto mo sila ng lubusan.
Sa ganoong paraan ay sayo'y walang mawawala,
Bagkus ito'y ikagaan pa ng iyong dinadala.

Punto

Malabo. Magulo.
Mausok. Nakakalito.
Ano ba ang gusto?
Hiling ay maging sigurado.

Magplano. Nakakakiliti sa pag-iisip.
Kung paano? Nakakapagod mag-isip.
Ramdam lang na andyan sa tabi.
Lakas ng loob iniipon araw at gabi.

Walang kasiguraduhan. Hindi alam ang aasahan.
Ipinadadaan na lamang sa pakiramdaman.
Anong daan man ang tahakin o daanan,
Sisiguraduhin kong gusto ko ang makakamtan.

Totoong may gusto akong mapatunayan,
Para malaman kung kaya kong makipagsabayan.
Mahirap lumaban kapag mahina akong lalaban,
Dahil walang matibay na pundasyon para sarili'y maprotektahan.

Tingin mo'y sarili ko lang ang iniisip ko.
Sa tingin mo ba'y masasagip mo ako?
Kung oo, salamat at ika'y naging aking kaakibat at karamay.
Kung hindi nama'y ikaw pala ang naging mortal na kaaway.

Ito ay para sa akin, sa sarili, at sa kapakanan ko.
Produkto nito'y para sa mga taong malapit at mahal ko.
Kailangan at dapat kong gawin ito.
Dahil alam kong sa huli, walang tutulong sa akin kung hindi ako.

Epal

Sino ka?
Hindi kita kilala.
Anong pakay mo?
Sabihin mo ng diretso.

May nakalatag akong plano.
Kongkreto at sigurado.
Kahit saan man dumiretso,
Isinaalang-alang ko ay ako.

Gulo man ito o laro,
Sarili kong utak ang magpaplano.
Bawat salita at galaw,
Tantsado ko ng malinaw.

Klarong sumulpot kang kung saan,
Isang kang bagay na sa harap ay dumaan.
Sayo nanggaling ang simula,
Pagtatapos nito'y huwag na huwag mo sa akin iaasa.

Itaga mo sa bato.
Iukit mo man sa puno.
Huwag mong asahang sa akin mapuputol,
Itong lubid na kinabit mo sa akin at binuhol.

Sunday, November 20, 2011

Mag-isa

Kailangang maging handa, kailangang maging alerto.
Sa kabanatang itong hindi alam kung ano ang sigurado.

Simpleng mga bagay ang nais, ngunit bakit kumplikado kung ituring?
Dahil ba hindi kapani-paniwala o dahil ba hindi kaaya-aya sa pandinig?

Pinili ang landas na ito dahil kailangan siguro.
Mga bagay na dapat mag-isa kong harapin para matuto.

Tibay ng dibdib, baga, sikmura at iba pa ang sinasanay,
Maging matatag lang sa mga bagay na babayuhin ka ng tunay.

Kapalit ng mga ito ay sakit, hapdi, pasa, at luha,
Na sana ay ang resulta nito'y kilig, ngiti, saya, at ligaya.

Sa ngayo'y mukhang mangmang at parating tulala,
Aligaga, nawawala, at nakanganga.

Humihiling sa darating na panahon makaahon,
Bago pa malunod at anurin na ng alon.

Saturday, July 30, 2011

Sisid

Sa una'y takot ang nadarama,
dahil baka malunod at ma-trauma.
Hindi ko pa lubos maintindihan kung bakit,
ngayon lang nasarapan lumusong ulit.

Lakas ng loob aralin muli,
para rin sa ikabubuti ng sarili.
Pinalampas ang dati'y pagkakataon,
hinahabol sa pangalawang pagkakataon.

Agos ng tubig tila nangaanyaya,
inaakit at nanunuksong magtampisaw at magpakasasa.
Tandaan lamang lahat ng natutunan,
Para swabe ang kahihinatnan.

Thursday, July 28, 2011

Kilig

Ramdam kapag natapos umihi,
Ginhawang dala sayo'y masidhi,
Kiliti nito'y sobrang tindi,
Hindi mapipigilan ang iyong pag-ire.

Sabi-sabi'y para lang ito sa mga dalagingding,
binatilyong nagbabago ang boses at bagong tuli.
Iba nama'y sabing ito'y para sa lahat,
malusog man o buto't balat.

Hindi mawari ang nadarama,
tuwing mahaharap sa ganitong pagkakataon.
Kuryenteng dala sa pandama,
minsan lang dumating sa mailap na panahon.

Sunday, July 24, 2011

Bitag

Ingatan ang hakbang
at baka may naka-abang.
Bawat kilos mo't galaw,
kita ko ng panakaw.

Walang kaalam-alam,
sa mga makamandag kong balak.
Mga patibong kong di mo alam,
maiipit ka't dugo'y dadanak.

Mahuhulog ka sa butas ng pagdurusa,
impiyerno'y damhin sa panlasa.
Bihag ka ng iyong kasakiman,
Dupang ka't ganid sa laman.

Lalaruin kang parang puta,
Paiikutin ka't gagawing tanga.
Mahilo ka man at magsuka,
Wala akong pakialam, Hayop ka.

Tuesday, July 12, 2011

Tamad

konting galaw, tigil.
konting kibot, tigil.
ano bang kailangan para matigil,
ang topak na nanggigigil.

Sunday, June 26, 2011

Landi

Masidhi. Makate.
Umaatikabong Landi.
Higad. Parang kiti-kiti,
Kilos mong parang naiiihi.

Boses ay iniimpis.
Suot ay manipis.
Lakad ay padaplis.
Ngiti ay matamis.

Hiling sana'y mapansin,
Angking tanga-tangahan at kagagahan.
Swerte kung maging magkaibigan,
O mas panalo kung magka-ibigan.

Minsan sa larong ito,
Maaring may panalo o talo.
Tabla minsan ang resulta,
Basta ba enjoy lang at walang sakitan.

Monday, June 20, 2011

Hithit

Before anything else, ako nga pala ang bunso mong anak. Nung huli tayong nagkita, 9 lang ako nun. 21 na po ako. Madami rin akong tanong eh kagaya ng asawa mo at iba mo pang anak. Nagmamadali ka kasi. Pareho kayo ng asawa mo. Parating parang may hinahabol, may pinapaspasan. Eh ano bang nakanampuchang ipinagmamadali niyo?!

Kung hindi ka nagmadali, malamang yung panganay mo, idol na idol ka. Isama mo na yung panganay mong babae na ikaw lang ang pinapakinggan. Yung pangatlo na malamang nag-eenjoy ng pagkadalaga, at ako itong sigurong takot pa rin sayo.

Kung hindi ka nagmadali, wala sanang nangengalam ng pinaghirapan niyong mag-asawa. Wala yung putanginang epal na manggagamit at opportunistang gago na akala niya matatakasan niya ang mga multo niya sa buhay. Multuhin mo nga.

Kung hindi ka nagmadali, takot kaming lahat at "matino" kami.

Kung hindi ka nagmadali, makakasabay din ako sa kung anong naranasan ng panganay mo nung nagbibinata siya. Yung kung paano mo sya murahin habang tinuturuan mo magmaneho. Yung kung paano magplano sa pwede kong gawin pagka-graduweyt.

Eh sa tanginang nagmadali ka. Wala naman akong magagawa kung yun ang gusto mo. Planado mo eh. Ang sakin lang, hindi mo man lang ako naisip? Kaharap kita nung mga huling sandali mo bago ka umalis. Langhap langhap ang usok galing dyan sa putanginang Marlboro Reds na kaninang tanghali mo pa hinihithit. Mang-iiwan ka na nga lang eh, iniwanan mo pa ako ng trangkaso. Ni wala ka man lang huling habilin. Kala mo sakin, maledukado?! Sabagay, ano ba ang aasahan mo sa isang nuebe anyos. Pero kasi, ang kinaiba ko lang sa ibang nine year-olds, anak mo kaya ako.

O nga pala, may namana naman ako sayo eh. Masarap pala yang hinihithit mo nung huli tayong nagkita. Iba nga lang yung flavor nung akin. Gusto ko kasi nung may nararamdaman. Kaso Reds ka eh. Yung mainit. Sing init ng ulo mo dahil malamang sa hanapbuhay at sa iba pang bagay na ikaw lang rin ang nakakaalam.

Ayun lang. Habang sinusulat ko ito, puro "sana", at "bakit" lang ang nasa utak ko. Kaso masyadong pang teledrama ang atake. Kahit naman matapos ko itong blog entry na ito, hanggang doon lang rin naman yun.

Happy Fathers' Day.

Sunday, June 19, 2011

Belat

Hindi mo man ako maalala,
O ayaw mo man ako maalala.
Ako ang nakaraan na nagpapaalala
Na minsan ay sinaktan mo ng sobra.

Swerte ko, Malas mo.
Masaya ako at ngayo'y buong-buo.
Ikaw itong namamalimos sa kanto,
Pagmamahal na taus-puso.

Landas ma'y minsang nagpapangabot.
Na hindi mo malay at abot.
Kita ko sayo'y nagnanaknak ng lungkot
Habang sa piging ay pakembot-kembot.

Sa panahong mabilis ang balita,
Kita pa rin ang dating mong ginagawa.
Wala kang bayag na maipakita,
Duwag ka't hindi makapagsalita.

Pareho tayong tumatanda.
Swerte kong ikaw ay nauna.
Dahil ako'y tumatandang puno ng pag-asa at saya,
Habang ika'y nagpapakasaya mag-isa.

Kahit san ka man mapunta,
magpakawala, magpakasasa.
Sumpa ko sayo'y sinusundan ka't lalamunin ka,
Hanggang sa harap ko'y lumuhod ka't magmakaawa.

Saturday, June 18, 2011

Kulit

Paulit-ulit. Paulit-ulit.
Mayroong napapangiti, mayroong ding ulong umiinit.
Kung nasa hulog ay tuwa ang madarama.
Kung wala nama'y puso ang luluha.

Lunas sa ulit na makulit,
Pasensyang hindi napupunit.
Pasensya'y minsang umiinit,
Kulang na punan ang makulit na paslit.

Di alam ang gagawin.
Minsa'y kailangang sandaling tumigil.
Wag masamain ang hindi pagpansin,
Dahil alam ko ang galit ay gigil na gigil.

Hinihintay na humupa ang ulan,
Lalo na't nanghihina at walang pananggalang.
Humanda at pag ika'y niyakap
Di pakakawalan kahit makarating sa alapaap.

Thursday, June 16, 2011

Sorry

Parehong talo, Parehong panalo.
Sa pag-ibig na ganito, walang makakahinto.
May takot at pangamba sa bawat minuto,
Minsa'y nagkakamali para matuto.

Bigayan, swapangan, tampuhan, suyuan,
Hiling ko lamang ay ang puntong tayo'y nagmamahalan.
Dumaraan sa malubak na daan kung minsan,
Sarap ng pakiramdam pag kasama ka sa sukdulan.

Ako'y humihingi ng tawad, paumanhin, at pasensya.
Kahit minsa'y mahirap ilabas kahit itaktak pa.
Ang pagkapit ko lamang sa ating sinumpaan,
Ang siyang aking lakas para kita'y mahalin pa ng lubusan.

Wednesday, June 15, 2011

Tengga

Simula na ng nagbabadyang katapusan,
Pahingay matitikman kapalit ng trabahong puspusan.
Sa umpisa'y hirap ang dinanas,
Nalingat lang ay ala-ala na lang ang katumbas.

Ngayong tapos na ang hirap
at ninanamnam ang konting sarap,
Bukas ay hindi alam ang hanap
pati ang gusto sa hinaharap.

Pagod pa mag-isip,
Kaba'ng nasa likod ng isip.
Habang matagal pa bago mahasa muli ang isip,
Hayaan muna ang katawa't isip ay umidlip.

Tuesday, June 14, 2011

Pen Pal EXTRA

After ng last day ko, diretso ako ng CamSur. Bakit ba... gusto ko magbakasyon.

Lutang pa rin ako dahil kanina lang nagttrabaho ako ng walang pag-iimbot at walang bayad. Samahan pa ng mga masasayang mga kaibigan sa loob ng pinagttrabahuhan. Ngayon, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin after ma-endo. Sinisingil din ako ng katawan ko sa mga utang na tulog ko sa mga nakaraang buwan. Kaya ko naman. Wala lang sanang magmamadali. Mahina pa ang kalaban.

Sa sobrang pagod ko, nagsasalita na pala ako sa pagtulog ko. Habang kasama ko ang ano ko sa pagtulog, nasabi kong "Soiled Linen" at "Keycards" habang natutulog. Grabe pala talaga ang impact ng pagod ko sa pen. Pucha.

Nakakalungkot lang dahil na-endo ako sa Pen ng may mga umalis rin at may mga issues ang aking mga kaibigan/kasamahan sa trabaho.Masakit dahil napalapit na rin sila sakin at sila ang mga halimbawa na gusto kong makatrabaho in the future. Naisip ko rin kasi na paano kung ako ang nasa posisyon nila... I feel for them at mas nagpalala pa ng lungkot ko ang pag-alis nila na hindi man lang nagpang-abot sa pag-alis namin.


Friday, June 10, 2011

Pen Pal: Day 65

Last day. Ramdam ko talaga na last day ko. Ramdam ko rin ang lungkot dahil kasama talaga sa buhay ang pamamaalam.

Huling breakfast ko kanina, hindi ko nakasama ang mga ka-morning shift ko. Inalala ko na lang lahat ng kulitan namin kahit na puyat kami at may haharapin pang trabaho sa buong araw.

Huling pagbaba ko ng soiled towels sa laundry. Naalala ko ang hirap at pagmamadali sa pagkuha ng bagong towels dahil parating nagkakaubusan.

Huling lunch ko sa AM Shift. Wala ako gana dahil sa pag-alis ko, hindi na katulad ng dati ang pakiramdam sa aming department dahil sa pagkawala ng mga naging kasama ko.

At sa huli, Nagpasalamat ako sa lahat ng tao sa aming department dahil hindi lang ako natuto sa trabaho, natuto din ako harapin ang realidad ng buhay.

Pen Pal: Day 64

Second to the last day sa Pen. Mixed emotion going on.

Pagod. Dahil sa workload itself. Kasama na dito ang stress physically, mentally, and emotionally.

Puyat. Kaka-overtime.

Saya. Dahil napunta ako sa department na nirespeto ako kahit trainee ako.

Excitement. Dahil matatapos na rin ang Pagod at Puyat.

Lungkot. Dahil mananatili na lang sa aking alala ang Saya ng buong hospitality internship experience ko sa Pen.


Thursday, June 9, 2011

Pen Pal: Day 63

Had our send off party for our batch and it was quite fun. Kita sa lahat na stressed sila sa OJT at the same time excited and happy with the 3 month hospitality internship.

We also had some sort of a culminating activity sa aming department. Kahit maraming issues na pinagdadaanan namin, I really feel that pamilya sila dito sa department na ito. Hindi ako nakaramdam na na-left out ako bagkus marami akong natutunan sa mundo ng pagttrabaho at ang realidad nito. Ang mga realidad na ito ang hinding hindi matututunan sa kahit anong paaralan o mababasa sa kahit anong libro.

Nasabi ko na rin dito na mababa ang tingin ng ibang department sa amin, pero hindi ako nahihiyang ipagmalaki sila sa ibang department dahil sa respeto na ibinibigay nila sa aming mga trainee.

Tuesday, June 7, 2011

Pen Pal: Day 62

We got our last evaluation sa aming supervisor and the grade was ok. better than the first evaluation. napagusapan na rin namin ng one-on-one ng supervisor ko about my stay, the employees, the work, and the department as a whole.

Bilib ako kay sir dahil despite all the sh*t that we encounter every single day since we transferred upstairs, he still have that positive outlook in what his department will have each and every single day. Kunsabagay, yun lang rin talaga ang magsasalba sayo to keep you going kung parating negative na lang ang dumarating sayo. Dapat na sigurong patayuan ng monumento si sir.

Pen Pal: Day 61

Ramdam ang hirap ng workload kapag may hindi pinapasok na casual employee. Sila kasi ang talagang nakatoka na magturo sa mga bagong trainee.

Medyo ramdam ko na rin ang pagod ng pag-oovertime. Dibale, konti na lang.

Sunday, June 5, 2011

Pen Pal: Day 60

Nagstraight shift ako para sa paghahabol ng practicum hours.

Ngayong matatataos na ako sa OJT, andami kong narealize about the workforce and life at work. I am really thankful that with all the stress at pagod na dinanas ko sa OJT, ang mga "kuya" at "ate" ko sa Spa ang tumulong sa akin na makita ang realidad ng buhay trabaho. Nakakakaba dahil ilang buwan na lang rin at papasok na rin ako sa paghahanap ng trabaho.

Pen Pal: Day 59

Kahit na trainee ako, I see the reality in the workforce kapag nakikita mo ang ibat-ibang issues sa mga taong nakapalibot sa department mo. May competitive na wala sa lugar, may sipsip, may abusado, may plastic, may maangas. Ang hirap sa systema ay hindi madaling mangatwiran o ipagtanggol ang sarili. Nagkukulang sa pakikinig ng saluobin at nakakapagbitiw ng masasakit na salita.

Pen Pal: Day 58

Overtime still going on. Nagkakagulo sa aming department among employees. Pansin ko lang, since lumipat kami sa temporary location namin, ang gulo ng lahat. Wala masyadong ginagawa. Nakakabaliw. Hindi plinano ng mabuti ang mga gagawin sa paglipat namin sa 3rd floor. Lahat damay.

Wednesday, June 1, 2011

Pen Pal: Day 57

I am doing lesser work lately. Marami na kasi kami sa department. Kailangan maipasa na ang mga natutunan ko sa mga trainee. Kung tutuusin, hinihintay ko na lang ang last day. Challenge lang ay mag-overtime para maabot ang 600 hours.

Tuesday, May 31, 2011

Pen Pal: Day 56

Even if there are new trainees, my plan to go overtime will push through.

Mostly puro pagtuturo lang sa bagong trainees ang ginawa ko today for the to familiarize the morning and mid-shift routines. Naalala ko ang sarili ko nung bagong trainee ako. I see the same initiative that they are showing sa paggawa ng mga tasks. Sana mamaintain nila hanggang sa huli ang "sipag" at "initiative" nila with all the surprises that they will get along their praticum training sa Fitness Center.


Monday, May 30, 2011

Pen Pal: Day 55

New trainees are in. Sabi ko na nga ba, katumbas ko ay dalawa. Flattering.

I am just counting the days till the 10th of June. OT parati to complete the practicum hours. Also, i will be ditching my day-off. Try ko rin mag-straight shift. Kumbaga ito na talaga. Sagaran na.

Pen Pal: Day 54

Second day ng overtime. Mahirap talaga pag-umuulan. Traffic.

Saturday, May 28, 2011

Pen Pal: Day 53

Kakapusin ako sa oras kapag hindi ako nag-overtime starting today. Need to extend 13 hours or more to reach the required number of hours. Crunch time for me. I am thankful that my supervisor and the other employees are supportive sa overtime ko.

Next week na may bagong papasok na trainee.

Thursday, May 26, 2011

Pen Pal: Day 52

This week is really hard dahil ora-orada ang paglipat ng gamit at pag-aadjust. Guest complaints are up from time to time. We just eat and digest their complaints dahil wala naman kaming choice.

Wednesday, May 25, 2011

Pen Pal: Day 51

Kinakabahan ako sa required number of hours ko. Baka hindi ako umabot. Ayoko na lumipat ng site. Kailangan ko talagang mag overtime ng upto 12 hours para mabuno yung kulang.

Naging reliever din ako sa poolside dahil sa kulang ang manning namin sa department. It was fun dahil walang tao. Pero the poolside will be like hell kapag full house.

Tuesday, May 24, 2011

Pen Pal: Day 50

I am all mixed up sa tasks. Mabagal dahil din sa pace ng guests at sa layo ng kailangan puntahan para magawa ang tasks efficiently. May factor din na relaxed ang environment ng workplace dahil nasa rooms na kami. Discreet dapat ang galaw para hindi makabulahaw ng guests.

May mga darating ng mga bagong trainee next week. Another adjustments ulit. Konti na lang din ang mga araw na ilalagi ko sa Pen.

Monday, May 23, 2011

Pen Pal: Day 49

We are still on a test run in the Fitness Center. Dahil less na ang load for girls, yung workload nila ay gagawin na ng male attendant, which is ako. Kumbaga, kung sa una ay maglilinis agad ako, ngayon, ill be getting files and newspapers for the reception area. Hindi na rin sila papasok ng umaga. Mid-shift na ang female attendant which is medyo mahirap ng konti.

Unti-unti pang inaayos ang dapat maayos. Buti na lang konti pa ang guests.

Sunday, May 22, 2011

Pen Pal: Day 48

I got to work with both the AM and PM shifts. Inovertime ko talaga para mahabol ang number of hours ko. Almost 12 hours din. But it was fun. Work wise, lahat nangangapa. Pero I am lovin' it dahil I can say suggestions to further improve our temporary routine sa taas. Maraming problem solving na kailangan gawin dahil the routine will be new in our temporary set-up in the third floor.

Duty managers are inspecting our temporary set-up from time to time at hindi ko sila masisi dahil we are situated just beside the rooms. We should be very cautious specially sa noise to preserve privacy for the guests.

This week ay sigurado akong mangangapa parin kami dahil may mga tasks na kailangang maging pulido to be efficient in all aspects in our department, the lockers/changing area, in-spa massage rooms, the gym, and the fitness center reception area.

From now on, our department will be called The Peninsula Fitness Center.

Friday, May 20, 2011

Pen Pal: Day 47

Last day sa Spa. Renovation na bukas. Bagong mga problema sa Sunday.

Mahirap ngumiti kapag nakikipaglaban sa sakit habang puspusan kang nagtatrabaho. Kailangan ko lang naman, pagiintindi at kunsiderasyon. Alam ko na mali ko parin na hindi bumati at dahil doon, ako ay humingi ng despensa. Sa pag-aakalang naintindihan ako sa naturang sitwasyon, akala ko ay hindi na siya suliranin. Pero mali pala ako. Ang masakit lang, naituring na sinasadya ang nangyari at nailarawang parang ako ay isang ingrato at walang utang na loob. Masakit. Dahil sa kabila ng pagod, puyat, pagpupursigi, pagpapasensya sa mga makukulit at walang modong mga parokyano, mapapahagingan ako ng isang pagkakamali na parang hindi ako humingi ng paumanhin at hindi nagpaliwanag ng maayos.

Thursday, May 19, 2011

Pen Pal: Day 46

Second to the last day sa Spa. 7 days straight na pala ako nagttrabaho due to my 2-day absence dahil sa sakit. fair ba? parang hindi. para ngang magkakasakit uli ako. sabado pa ang day off ko.

maaga nagpa-orientation ng mga bagong trainees. parang kahapon lang at ako dati ang nakapang-corporate attire at eager magpracticum. "been here, almost done that" na ang naiisip ko kanina habang nakikita sila. hope they will experience the best and the worst of the workforce. tutal, it all boils down to overtime, overwork, and 'thank you'-to-''tip' compensation.

Im curious sinong papalit sakin. HAHA.

Pen Pal: Day 45

early this week, may bagong recruit ang HR for the Spa. ok naman siya and she is very friendly. kabado na rin siya for sunday kasi iba na ang set-up.

nag-practice kami ng spa reservations and i think i did not perform well for the fact that my job is to attend guests inside the locker area. ok lang naman daw kasi practice lang and my supervisor understands kasi locker area ang jurisdiction ng work ko.

Tuesday, May 17, 2011

Pen Pal: Day 44

Inspections were made kanina sa Spa. Tuloy na tuloy na ang lipatan. Lahat kabado sa magiging mga guest complaints.

Monday, May 16, 2011

Pen Pal: Day 43

Sinusulit na ng mga members ang Spa. Less than a week na lang ito at magiging Fitness Center na ang department. Medyo inaantok ako today dahil kulang sa tulog but I made it naman.

Duty uli ako ng sunday. Off ko ng Saturday. Ano kaya ang naghihintay sa aming trainee sa paglipat ng Spa?...

Sunday, May 15, 2011

Pen Pal: Day 42

Its sunday. First time to be on duty on a sunday. At maraming tao nung malapit na ako mag-out. ang ending ay overtime.

5 days na lang, goodbye Spa na. Renovation will take place at lilipat na kami sa third floor. Morning Shift until friday. Sana kayanin ko.

Saturday, May 14, 2011

Pen Pal: Day 41

Its saturday. all-time low. buti naman kasi i still a little bit sick. i also have personal issues outside work. Lutang talaga. Ang init pa.

Hindi rin ako nag-overtime.

AM Shift starting Sunday to Friday. Last week of the Spa. Renovation begins on the 22nd of May.

Pen Pal: Day 40

Medyo ok na pakiramdam ko after my absence. Kaso mabagal ako kumilos. Hindi rin ako nagovertime.

Thursday, May 12, 2011

Pen Pal: Day 39

Did not go to work again, I need to rest. I got the go signal to my supervisor naman. KAso baka i-account ito ng HR as unexcused absence. Nakalagay kasi sa med cert na one day sick leave lang. Ang trangkaso pala ngayon ay naipapagaling ng isang araw lang. Napakagaling naman ng ospital na to.


Wednesday, May 11, 2011

Pen Pal: Day 38

Sick Leave.

Pen Pal: Day 37

I went to Capitol Med kaninang hating gabi para magpacheck-up. Got a medical certificate for documentation sa HR.


naramdaman ko na before matapos yung shift ko na hindi ko na kakayanin. nagpaalam agad ako sa supervisor ko and sa mga makakasama ko na hindi ako makakapasok. ayun.

Monday, May 9, 2011

Pen Pal: Day 36

Its my first day of my Mid-Shift on a weekday and I feel sick because of the weather and the adjustment that was felt by my body. Nasanay kasi sa maagang pasok kaya naninibago ako.

After the first evaluation and after receiving my evaluation grade, at first it was ok, but after I talked to my fellow trainees in other departments, the grade that was given to me was quite disappointing pala. Kahit sila, nagulat kasi they see me and they know also the level of difficulty of my work. Hindi naman talaga ako nakitang tutok sa work ng supervisor ko and he came up with a grade lower than the degree ng hirap ng work ng isang male spa attendant given the fact that the one who is doing the job is a trainee.

The regular employees said that kahit sila, they do not really get a high rating in that evaluation. But the difference is, they still get their payroll every month as compared with us that we solely depend on the grade that will be given to us by the supervisor.

I felt a bit used.

Pen Pal: Day 35

My last day sa straight AM Shift ko. Monday will be the start of a screwed schedule due to department training.

Friday, May 6, 2011

Pen Pal: Day 34

Medyo less ang tao sa shift ko sa Spa. Same routine. Usual tasks. The big change will be next week kasi monthly pala ang pagshuffle ng mga employees sa department. Another adjustment na naman kasi I am used to the teamwork of the AM shift.

Before the renovation, I am planning to request the PM Shift para alam ko rin kung ano ang ginagawa ng panggabi.

Thursday, May 5, 2011

Pen Pal: Day 33

Medyo mabigat ang pakiramdam ko while doing work. Pinagpapawisan ako ng todo. Medyo pinapakiramdaman ko ang sarili ko. Sana huwag humantong sa sakit.


Wednesday, May 4, 2011

Pen Pal: Day 32

Evaluation time. Closed door meeting with my supervisor. One on one.

He discussed the grade that he ha given to me per category on the evaluation rubric. 5 is the highest and 1 is the lowest. I got mostly 4's and some 3's.

In general, he was positive in my overall performance in the one-month period given to me in the Spa. He was just specific with me in the small details of the cleaning tasks. He explained that even a small dot of dirt can make a change and can be noticed. I got his point. Kailangan maging metikuloso amidst the fast-paced tasks specially kung rush hours.

He also specific in having the standard of having to smile. Minsan kasi seryoso ang mukha ko. Hindi ko naman maikakaila yun. Sabi nga sa kanta, "I was born this way", but that does not give me a reason not to do my part and improve things that is needed to be inproved.

With all honesty, I am satisfied with what grade he gave me for the first month. I understand that the grade was given not that high to allocate that "room for improvment" and i understand that.

Ang sa akin naman, I am proud to say that kinaya ko ang trabahong ginagawa dati ng dalawang trainee. I survived and still striving hard until the Spa renovates and I make the most out of my remaining days in Pen Spa. Ako na pala ang huling trainee na mag-dduty sa Spa bago ito bigyan ng major renovation.

Tuesday, May 3, 2011

Pen Pal: Day 31

Ang bilis ng mga araw. Nalingat lang ako, ramdam ko nang malapit na matapos ang OJT ko. Less than a month na lang ang ilalagi ko dito sa Pen at bilang na ang mga araw ko sa Spa.

Ayoko muna isipin ang mga mangyayari after the OJT and after graduation kapag maghahanap na ng trabaho. Basta, ieenjoy ko na lang ang mga araw na natitira dito sa practicum ko.


Monday, May 2, 2011

Pen Pal: Day 30

Sakto lang kung mailalarawan ko ang pag-gawa ko ng trabaho ko ngayong araw. Hindi masyadong masipag, hindi masyadong tamad. Siguro dahil na rin sa init ng panahon at paulit-ulit na tasks. Isama pa ang mga pasaway na mga guests.


Saturday, April 30, 2011

Pen Pal: Day 29

Requested for the AM shift today because of my sisters birthday. Medyo maulan ang pagpasok ng umaga pero ramdam pa rin ang init ng hangin habang paroo't parito ako sa Spa at nagbababa ng soiled towels at mineral water.

Hindi ko na nararamdaman kung weekday na ba or weekend. Ang alam ko lang, pagkatapos ng anim na araw ng training, day off.


Friday, April 29, 2011

Pen Pal: Day 28

There's something wrong with the day. Hindi ko alam pero may mga pangyayari kanina na wala sa hulog. Dahil dun, one hour ang overtime ko just to finish the routine. Ayoko i-endorse yung mga hindi ko pa natatapos na tasks kasi it is still my responsibility. Nagkasabay-sabay ang pag-aassist sa mga guest for the massage treatments sa hindi usual na oras. That caused me to move other tasks kaya napa-overtime.

Kasama talaga sa trabaho.


Thursday, April 28, 2011

Pen Pal: Day 27

My 1st month has passed. Pasahan na rin ng monthly evaluation sa supervisor. I hope my performance will be graded good.

Ang init ngayong mga nagdaang araw. Nakakatuyot.

Term of the day

BREAK-IN ( breyk-in) jar.

Kabaligtaran ng Break-out. Ito ang breatime na gagawin mo ilang oras pagkatapos mo mag-in sa trabaho. Kadalasan ay magiging doble ang kain mo dahil counted pa rin ang lunchbreak mo at PM Break.


Wednesday, April 27, 2011

Pen Pal: Day 26

Kaya ko rin gusto ang AM Shift people kasi they also share their experiences at work. Nagbibigay din sila ng mga gabay, payo, at words of wisdom to boost the morale of the team. Marami akong natututunan sa buhay lalo na kapag si Sir Vic ang nagsasalita. Every after the rush hour of the morning shift kami nagkakaruon ng sharing ng experiences and point of views in life.

Hindi porket nasa trabaho, puro trabaho lang ang gagawin, nakakasakal naman iyon. I am really thankful na ako ang naging trainee ng Spa. May tip pa kanina. Salamat po ng marami.

Term of the day:

BREAK-OUT (breyk - awt) jar.

Ang tawag sa breaktime bago ka mag-out sa trabaho. Kalaunan ginagawa kapag tambak ang trabaho at ihuhuli ang breaktime.

Kumwari, ang shift mo ay 530am-130pm. 11am-12nn ka magllunchbreak, pero may mga trabaho pa na kailangan gawin sa oras na dapat ay lunchbreak mo, hihintayin mo muna matapos ang trabaho bago ka mag-bbreak. Magugulat ka na lang, pagkatapos mo kumain, tapos na ang shift mo.

Hal:

1230 ng tanghali

FO Trainee: Uy, Spa Trainee, hanggang anong oras ka today?
Spa Trainee: 130pm.
FO Trainee: Break-out ka?
Spa Trainee: Eh may kailangan tapusin kanina eh, may guest na kailangan hintayin at may mga kailangan pang gawin na mga utos. Ayun. Break-out.

Tuesday, April 26, 2011

Monday, April 25, 2011

Pen Pal: Day 24

Back to normal ang daloy ng mga tao sa Spa. Same guests every morning and kamustahan about the weekend. Shared also my observations of what happend last saturday to the am shift people.


Sunday, April 24, 2011

Pen Pal: Day 23

Sabado. Holiday. Mid-shift. Isa lang ang ibig sabihin niyan. Sobrang daming tao.

But the thing is, the PM Shift people are not that fluid enough to work unlike the AM Shift people in the Spa. Ang ending, sa trainee ang bagsak ng lahat ng bulk ng work. The idea of having the Mid-shift ay magkakaruon ng tulungan dahil maraming tao, pero hindi ko iyon naramdaman. Naisip ko tuloy kung ano ang pinagdadaanan ng kasama kong trainee na parating naka-mid-shift.

After our shift, kinamusta kami ng supervisor namin dahil nakabreak siya. Alam kong gusto niya marinig ang side namin kasi nga sobrang daming tao nung araw na iyon. I shared na wala namang pinagkaiba sa workload kung mabigat man o magaan. It is just the same. Nagkakaiba lang on how the team players work. Inamin ko na mas ok ang morning shift people kaysa PM shift people.

To justify my stand, sinabi ko yung issue about the length of having their breaktime. Medyo matagal bumalik yung isang casual employee at yung regular employee na receptionist. Nag-domino effect kasi yung bigat ng work na dapat ay tulungan lalo pa at nung nawala sila, dun nagdagsaan ang maraming tao. As for my part, I just did my job and made the most out of it. Pero ramdam ko yung pagpapasa ng trabaho at lack of communication ng team.

Walang kaso sa akin kung hindi ako gusto katrabaho ng magiging kasama ko, pero kung oras na ng trabaho, kaya kong makipagcommunicate sa kahit kanino dahil nakasalalay na ang operations. Kung tutuusin, hindi ko na ginagawa ito para sa sarili ko. Ginagawa ko na yung bigat ng trabaho para sa mga taong nakasalalay ang mga posisyon nila sa kumpanya at ang kanilang mga sweldo.

Sinabi ko rin sa supervisor ko na kung may mga masasabi rin ang mga kasama ko sa shift tungkol sa trabahi ko, hindi ako natatakot na masabihan o masita kung may nagawa akong mali dahil kaya kong iexplain ang aking side at kayang tanggapin ang mga kaparusahan nito.

*************************************************************************************
Natest din ang pasensya ko sa mga employees na ito. Para maging malinaw ang mga naisulat ko sa itaas, ito ang mga scenario.

Act 1:

Nagkakaubusan na ng towels sa pantry. Around 5pm at may araw pa.
Trainee: Sir, malapit na maubos yung mga towels.
PM Male Attendant: sige magbababa na ako ng soiled.

Matapos ang ilang oras. Wala ng araw.
Trainee: Asan na si PM Male Attendant?
PM Female attendant/Proxy Receptionist: Kumain si PM Male Attendant.

Bandang 7pm at paalis na ako. Dumating na si PM Male Attendant.
***********************************************************************************

Act2:

Habang naglalagay ng tubig sa mini-bar. May lumapit na guest sa trainee.
Guest: anong oras nagbubukas itong gym?
Trainee: Mga 6am po. (Sabay tingin sa PM Receptionist na mahilig mag break)
Guest: ah ok. Thanks.

Pagkaalis ng guest..

Trainee: 6am diba?

PM Receptionist na mahilig magbreak: 530 kaya!? (na may tonong nakakairita)

Trainee: ay oo nga pala. pero ok lang din naman iyon, para maready yung area tska malinis pagpunta nila. (lightening up the mood ang tono kasi naghahalo na ang pagod at pagikli ng pasensya)

PM Rececptionist: hindi rin ppwede kasi yung iba maaga pumunta dito para maggym blah blah blah (na tonong nakakairita parin)

Trainee: (Sharp cut sa pagdakdak niya. Medyo nilakasan yung boses pero tonong pa-joke para malighten ang mood) Dibale, ready naman ako sa kanila (i am pertaining to my work na kapag marami nang guests, bibilisan ko ang pagaayos ng area.)

PM Receptionist: E ready ka ba kay Supervisor? (tonong nakakairita na nananakot. Pinangtakot pa si supervisor. Akala naman niya matatakot ako.)

Trainee: I am ALWAYS READY. (With conviction. habang papasok ng lockers. pag pasok ng locker..) I am always ready.. BITCH.
*************************************************************************************
That is why i love the morning shift. Walang bastusan. Walang kupalan. Walang bahid pulitika. Serbisyong Totoo lamang.


Friday, April 22, 2011

Pen Pal: Day 22

Kung anong ikinatahimik ng mga lansangan ng Ayala at Makati, iyon naman ang ikinagulo ng Pool side and Spa ng Pen. Amoy ang bango ng chlorine, Naglalakad sa basa dulot ng mga nagswimming na guests, Nagkalat na towels, at mga naglalarong mga bata... Gulo pa lang sa poolside yun..

Sa Spa, medyo bawas ang workload dahil naka-holiday ang Massage Services ng Spa.

Nakalimutan ko maibaba yung basura kahapon. Sa tono ng pagkakasabi sakin, parang nainis yung kapalitan ko ng shift. I admit na mali ko yun. I also admit na may times na nakakalimutan ko yung ibang tasks kapag napapagod or nagkakapatong-patong na But it was just the first time na nakalimutan ko ibaba yun. Dahil doon, lahat ng reklamo ng kapalitan ko ng shift, I made sure na nagawa ko kanina.

Patience and understanding na lang ang magagawa ko sa action na ipinakita niya. Bukas, magkakasama kami dahil mid-shift ako. Let's see.

Thursday, April 21, 2011

Pen Pal: Day 21

Received a tip from one of the members of the Spa. I do not usually receive tips from morning guests. Hindi rin naman ako nag-eexpect to recieve tips. Sabi na rin ni Sir Vic sa akin last week na sa gabi usually nakakakuha ng tip from guests. Kumbaga, I see it as hard-earned tip. Not that big, pero kasi I think na he understands my situation of working on a holiday without receiving compensation. He knew that I was a trainee. Every morning na andun siya sa Spa, he usually talks to me ang greet me. I felt that my work was appreciated.

Wednesday, April 20, 2011

Pen Pal: Day 20

Grabe ang intensity ng araw na ito. Extremes kung mailalarawan ko. May time kanina na wala akong ginagawa, tapos nalingat lang ako, parang kailangan ko na hatiin sa anim yung katawan ko para magawa ko ng sabay-sabay at matapos ko agad ang mga nagkakapatong-patong ng mga task.

30 minutes after the shift ang identified OT sabi ng supervisor ko.

Happy holy week.

Tuesday, April 19, 2011

Pen Pal: Day 19

Ang susunod na eksena ay Rated 'PG':

Habang naghahanda ng fruits para sa mini bar ng Spa.

Massage Therapist: Ilalabas mo pa ba tong mga to? (Habang hawak ang tatlong saging na lakatan)
AM Trainee: Hindi na po. (Habang naghuhugas ng mga mansanas)
Massage Therapist: Akin na lang ah. Hehe.
AM Trainee: Sige Po.

Matapos ang ilang sandali.. Habang tinatapos ng AM trainee hugasan ang mga natitirang mansanas..

Massage Therapist: Penge isa ah. (Kumuha ng mansanas) Bago ba to?
AM Trainee: Opo.

***********************************************************************************

Masarap pala talaga sa pakiramdam kapag may nag-ccommend ng work mo. Binati ako ng isa sa mga superiors ko about my work being consistent with the standards. Kahit may mga konting sabit akong nagagawa sa trabaho, nakakapag-pagana pa para pagbutihin ang trabaho kapag may nakakapansin talaga ng pinagpapaguran mo.

Speaking of consistent, consistent din ang OT ko since the first week. Hindi ko rin masisi dahil kulang kami sa Spa. Ngayon ko lang nalaman na kailangan pa palang ireason out at ilagay sa tinatawag nilang "OT Approval Sheet" ang mga araw na OT ka at ang dahilan kung bakit ka nag-OT. Mukhang problema to.

Monday, April 18, 2011

Pen Pal: Day 18

May special yoga classes ngayon until holy wednesday. Meaning, special set-up sa usual routine ko for the next two days.

Relax ang workday ko. Wala kasi ang bisor. Hindi ibig sabihin na nagtamad-tamaran ako. Less pressure lang siguro.

Nasita ako ng isa sa mga big bosses ng operations. Nakalimutan ko kasi itago yung pushcart sa likod. Nakaparada lang kasi sa tabi ng entrance ng Spa. I take it constructively naman at nakatulong iyon para maging alert lalo. Wala naman siyang nasabi about sa linis ng men's locker room na handle ko.

Sunday, April 17, 2011

Pen Pal: Day 17

Nagiging routine na. Medyo nagiging iba na yung pakiramdam ko. Sinasalba na lang ito ng mga kasamahan ko. I thank them na nagiging ka-shift ko kasi kung hindi sila ang ka-shift ko with the kind of routine i do, baka maging robot ako.

Kapag nasa ganitong klanseng trabaho pala, nagiging alipin ka ng oras. wala kang laban.

Sa industryang pinasok ko, hindi ko holiday ang holiday mo. may memo nang binigay ang HR sa mga supervisor ng operations at front-of-the-house departments. Sa mga casual at regular employee, double pay sila pag pumasok ng holiday. Sa aming mga trainee, may plus one point sa rating per holiday na pumasok kami. Wow naman. How thoughtful.

I understand na pinaparamdam sa amin ang uri ng trabaho na pwede namin pasukin after graduation. pero siguro naman may manipis na linya pa rin na naghihiwalay sa trainee at sa employee. pero tulad nga ng sabi ng iba, "Ganyan talaga ang buhay."

May bumubulong sakin. ang sabi niya "aanhin ko ang plus points? Pwede bang maideposit yan sa ATM account ko?"

Pagpalain sana lahat ng pagod sa Makati, Ortigas, at Maynila ngayong holy week.

Friday, April 15, 2011

Pen Pal: Day 16

It is really fun discussing things and listening to the experiences of the people in our department. Magiging realistic ka. You will learn from them at magkakaruon ka ng idea kung ikaw na ang nasa sitwasyon nila. Kumbaga, "been there, done that".

Sa kahit anong trabaho, there are rules to follow. People follow it and break it. but either way, ang importante lang naman, maging responsable ka sa lahat ng kilos at galaw mo.

May 20 pala ang renovation. May tendency kaming ilipat ng department kasi yung trabaho namin, mawawala dahil sa renovation. Nakakalungkot. Parang pinaaga yung dapat ay taning ng oras mo.


Thursday, April 14, 2011

Pen Pal: Day 15

2 weeks na ang nakaraan. ngayon ko lang naramdamang antukin the whole shift. may mali rin kanina sa pag-gising ko eh. hindi ko alam kung ano.

May iba rin akong nararamdaman about my work. Hindi ko pa sure, kapag consistent na, iinform kita.


Wednesday, April 13, 2011

Pen Pal: Day 14

Hindi pa rin matuloy yung magiging kasama ko para sa mid-shift. Ang gulo ng mga decisions sa HR office. Pero may alam akong mas magulo magtrabaho na office... Want a Clue?.. Wag na. Baka ibagsak itong prcaticum report ko.

Nakasama ko naman yung isang trainee na dapat for mid-shift. Pinakita ko kung ano yung mga dapat ginagawa first thing in the morning pagbukas ng Spa. At around 830am, pinababa na siya sa HR para i-confirm kung tuloy siya samin. Natapos na ang shift ko at may kasama pang overtime, pero hindi na bumalik.

In this stage, nasa phase na ako on how to blend in with the team. Mahirap lang kapag biglaang nag-lipatan na naman.

Sana talaga may off ako sa holy week.

Term of the day:

OT CHARITY [ ow-tee / cha-ree-ti ] abstract noun

- OT means Overtime
- tawag sa Overtime ng isang casual employee na hindi bayad ng kumpanya labag man o bukal sa kaniyang puso.

Example:
AM Shift Trainee: "Ate, out ka na?"
AM Shift Casual: "Hindi pa. OT Charity."

Tuesday, April 12, 2011

Pen Pal: Day 13

May pumalit na female trainee from the Houskeeping Department rooms division. Meron na ring madadagdag na male trainee from the Linnen Department para sa mid-shift. Medyo kabado ako kasi baka ipagpalit kami ng shift. Ayoko sa mid-shift.

Medyo disappointed din ako sa ibang regular employees specially yung nasa kuhaan ng uniforms. I admit my mistake na nagagamit ko yung uniform ng regular employees, pero hindi kasi maganda yung pagkakasabi sa akin about the issue. Wala naman ako magagawa. "Sorry Po", Pasensya Na Po", at "Sige Po" na lang ang pwede ko sabihin. Mahirap na.

Monday, April 11, 2011

Pen Pal: Day 12

Nasunog yung sauna kahapon. A walk-in guest asked for eucalyptus oil to the spa attendant and poured it in that machine. Kaya pala nung pagpasok ko, hindi masyadong good ang morning nina Sir Vic at Sir Anthony. Jacuzzi at Steam Room na lang ang gumagana. Kailangan na talaga ng renovation.

May pumuslit ng hairspray ng Spa. Hindi talaga maiiwasan ang mga g*g*ng guests. Tatlo silang amboy na anak ng mga naka-check in sa Pen. The usual prank filthy rich kids do. Kinuha pa yung susi ng locker. Buti naman binalik yung susi. Pag anak ka talaga ng mayaman, nawawala ang manners at attitude. Anak talaga sila ng mga magulang nila.

Akala ko pa naman may ka-mid shift na ako. Someone from the Lobby wants to tranfer departments, he thought sa Spa sya so nung nakita ko sya sa baba, nakabihis na sya at sinamahan ko na sya papunta sa Spa. Naturuan ko naman ng pagtupi ng bathrobe at tumulong kumuha ng twenty cases ng Viva Mineralized Water. after mga 45 minutes, pinatawag siya at HR at sinabing sa Housekeeping pala sya.

Bale, as of today, ako lang ang trainee sa department namin. May mga nagpaparamdam na gustong lumipat. Ang ayoko lang, ako ang mailaipat.

Sunday, April 10, 2011

Pen Pal: Day 11

Nung friday, sinabihan ako ng supervisor na pumasok na lang ng saturday kasi maraming tao. Lo and behold, marami nga.

May lipatan na ng mga trainees sa iba't-ibang departments. May gusto ring lumipat sa Spa. Ang hiling ko lang, ayoko malipat at madagdagan ako ng kasama. May bago rin akong makakasamang trainee na babae. Taga-front office.

Isa pang wish. Sana may dagdag ako na day off sa holy week. Kahit yung friday to sunday lang. Nahihiya akong magtanong sa supervisor.

Friday, April 8, 2011

Pen Pal: Day 10

At lunch, i heard that some of the trainees are being transferred to different departments. Others said there experiences in their present departments and gusto nila magpalipat. I respect yung mga gusto nila at mga plano nila na malipat. As for me, Ayoko na malipat. I am ok with the schedule and with my superiors and partners in the Spa.

One trainee shared na nung pinagsabihan siya, tinatakot siya ilagay sa Spa. When I heard it, medyo na offend ako at para sa department. From the way it is said, mababa ata ang tingin nung nagsabi sa department namin.

I do not see it na mababa ang department namin. I admire the Spa department kasi even though they have problems and conflicts, I can see and feel the respect of each other. Kapag trabaho, walang bastusan. Walang tapakan.


Thursday, April 7, 2011

Pen Pal: Day 9

ENDORSE [ en - dors ] transitive verb

-ginagamit para maipasa ang natirang trabaho dahil:

1. tambak ang trabaho at hindi mahati ang katawan para magawa ang lahat ng ito.
2. nagtitipid ang kumpanya kaya hindi makapagdagdag ng tao sa department kaya sagad ang pagmulti-tasking.
3. nag-breaktime ang tauhan, papalitan mo muna siya, at ang natira niyang trabaho ay maipapasa sayo.
4. tapos na ang workshift, bayad man ang tauhan o hindi.
5. may nag-absent kaya ipapasa or ipapaiwan ang trabaho.
6. tinamad na ang tauhan kaya ipapasa niya ito sa susunod na shift, same day man o kinabukasan.

Use it in a sentence:

a. Sir, ieendorse ko muna sayo itong mga bagong towels. Paki-pasok na lang sa loob.
b. Pa-endorse na lang po nung basura. Overtime na po ako. Sana po pumasok on-time yung kapalit ko. Sa pag-kakaalam ko po, sineswelduhan po siya rito.



Wednesday, April 6, 2011

Pen Pal: Day 8

I am pushing my limits each and everyday, but some people are not that competent enough to work with. Talaga palang merong mga ganitong tao. Nakakabawas ng respeto.

I will try to be a little 'relaxed' with my work. Siguro kapag makapag-retain ako ng energy, hahaba pa ang pasensya ko.

Yoga tomorrow.


Tuesday, April 5, 2011

Pen Pal: Day 8

Its my Birthday! Happy Birthday to me.

Nung wala na akong ginagawa, I had a chance to have a little chat with Cheal, the one who is stationed at the Female locker room. Nagkwentuhan kami sa common pantry sa likod. Marami pala talagang dinadaanan ang mga casual employees. Sa mga pinagkwentuhan namin, marami akong napansin at narealize about working.

Hindi lahat ng nagtatrabaho, gusto nila ang nakuhang trabaho. May mga nagtatrabaho naman na hindi sila mahal ng trabaho. Yung iba, obligado sila magtrabaho for the sake of having one. Kanya-kanyang dahilan yan. Pero isa lang ang nakikita kong panalo. Kahit anong mangyari, ang kumpanya pa rin ang panalo.

Nagkakapatong-patong yung mga task ko kanina. Im doing it one-by-one naman, kaso nakakainis kapag isinisingit na nga yung task, hindi maganda yung pagkakasabi. Kung kaya kong hatiin ang katawan ko sa apat, gagawin ko.

Bago matapos yung shift ko, kinausap ako ng supervisor ko na si Sir Anthony. Mapapaaga ang day off ko. Saturday ang day off ko at papasok na agad ako ng Sunday. Aayusin naman daw niya yung schedule ko for next week para makapag-dayoff ako ng two consecutive days.

Monday, April 4, 2011

Pen Pal: Day 7

Its just me in the morning routine. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Nagsasabay-sabay yung pag-alala ko sa mga task. Hindi ko alam kung anong gagawin. No coffee break for me.

Nabasag ko yung glass panel ng isang ilaw sa jacuzzi. O, eh ano naman. I had the guts to say what happened and I am ready to be reprimanded. I reported it to my superiors, coordinated with the engineering people, and even handled a guest complaint regarding the incident.

Nung inaayos Sir Conde na taga-engineering department yung jacuzzi, may nakita siyang nameplate ng isang employee sa ilalim ng tubig. naka-usli yung pin na pwedeng ika-sugat ng na guest na gagamit.

In situations like these, kailangan harapin mo ang mali, at hanapan ng solusyon.

Sunday, April 3, 2011

Pen Pal: Day 6

My first day of having my mid-shift. First time ko rin ma-late. 12 minutes late. Iba pala talaga ang feeling ng ma-late kapag sa work compared sa school.

Jam packed ang Spa. Siguro kasi sabado. Doble yung intensity nung work kapag weekend or kapag maraming tao sa hotel. Mayat-maya kailangan ng bagong supply ng towels, amenities sa toilet area, assist ng guest for massage treatments and sa paggamit ng wet area, at cleaning and maintenance.

Mas hiyang ako sa first shift. Siguro dahil sa alam ko na ako ang naghanda ng area that will fit for at least my whole shift or at the most the whole day. Parang i feel i am in control kapag ako yung unang nag-ayos ng area for the day. Mas mabilis rin ang trabaho dahil konti pa lang ang gumagamit ng Spa.

At dahil late ako, bumawi ako ng 6 minutes na overtime. as much as i wanted to have it longer, pinapauwi na rin ako. They are very considerate sa trainee kaya nakakahiya ma-late. Even nung lunch break ko, parang napagsabihan pa ako kasi hindi pa ako kumakain. ang sakin lang, gusto ko muna may gawin kahit konti bago ako mag-breaktime. Alanganin ang mid-shift, pag sakto ka dumating, nakakahiyang humingi ng breaktime. Kailangan maaga ka dumating to have an early lunch or mga 2pm na yung lunch mo.

PS: Day 7 ang simula ko maging Spa Attendant for the first shift. Sana maalala ko lahat.

Friday, April 1, 2011

Pen Pal: Day 5

On board on my 5th day, Sir RJ was with me in doing the morning routine in the mens locker room. Sir Leonell was assigned naman sa reception area but was still available kapag may problem.

At dahil sa pagpalit nila ng work, parang alam ko na kung anong magiging takbo ng rotation ko. Ready ako maassign sa work ng Lockers and Fitness Area. Pero yung Spa Reservations and Spa Reception Area, medyo mangangapa ako. Sabagay, day 5 palang naman. Mahaba pa ang OJT...

Kailangan na talaga irenovate yung facility. Buti lang kahit papano, tyagaan sa paglinis..

PS: Mid-shift ako for Day 6. 11am to 7pm. Sira na ang body clock ko. May service center ba para rito?

Thursday, March 31, 2011

Pen Pal: Day 4

While doing the routine, napansin ni Sir Leonell na 'tense' ako while working. As for me, inaalala ko lahat ng mga kailangan gawin. Alam kong at some point ng training na to, magiging 'mechanical' ang takbo ng trabaho, but as much as possible i want to be alert lalo na kung may guest agad and may kailangan sila. Im also doing my best na lagyan ng 'utak' yung trabaho to do the job better.

It is also my first day to work with Sir Arnold. He is one of the fitness instructors for the gym area at the Pen Spa.

Aside sa morning routine namin, I started to attend the needs of the guests specially yung mga regular guests. It had gone pretty well naman.

At dahil sa tingin ko mas trinatrabaho ko ang trabaho, sinusulit ko ang mga breaktime. Wala pa namang sita or anything kasi wala namang ikasisita.

About the continuation for our orientation with our supervisor Sir Anthony, hindi ito natuloy dahil may send off party ang GM ng Pen. Sasayaw daw yung mga superiors namin.

Wednesday, March 30, 2011

Pen Pal: Day 3

Had less sleep the night before. Still adjusting physically, mentally, and emotionally.

520am. After logging in, tinignan ni Sir Leonell kung naalala ko pa yung mga unang ginagawa sa loob ng lockers and wet areas. With less sleep, there are some things na nakakalimutan ko but he's polite enough naman na ipaalala sakin. I also politely said to him na I had less sleep last night because of the adjustment.

As i see myself doing the routine, 40% of the routine ay familiar na ako. I just need to do it the routine faster so that i can do other things. Hindi pa kasama dyan yung guest contact.

But for day 3, more on doing the morning routine lang muna ang imamaster ko.

Meron ding akong initiation. Pinag-walis ako. dapat si Sir Leonell ang gagawa ata. Nagulat nga si Boss Vic eh, tumatawa pero ok lang naman sakin. Ayoko lang rin kasi na biglang wala akong gagawin. nakakasira nung makina ng katawan ko. And hindi rin naman big deal.

Before lunchtime, Sir Anthony gave us the orientation of the standards given by the company. Pati na rin yung mga Do's and Dont's, Behavioral Standards, Scope and Limitation on Employee contact, and other essentials. Dahil medyo mahaba yung standards, the continuation will be tomorrow.

As far as yung pagod, malamang nakakapagod talaga. Pisikal kung pisikal. but im thankful that my Sir's/Boss are approachable.

PS: Dahil i am lovin' the 530am shift. 530am uli ang shift ko next week. kaso, all by myself na ako. kaya pala pinapaalala na ni Sir Leonell sakin na ganito sa morning shift kasi hinahanda na ako na sumabak agad. Nagpapahagging kumbaga.

Tuesday, March 29, 2011

Pen Pal: Day 2

It's day 2 and lo and behold, got the first shift for the day. Arrived at the Pen at around 430 in the morning and i'm remembering the routines that were taught to me by my buddy Leonell, my big boss Vic and Sir Anthony, my supervisor.

Call time. Game time.

It was 530am. Big boss Vic signed our attendance log and the work is on. My buddy Leonell showed me how to prep the lockers and the wet areas. It made me sweat all over and its only 545 in the morning. Then, he showed how to replace and check the supplies of the amenities. At 615, we started to clean the open areas in front of the pool for yoga classes.

Its 15 minutes before 7am and its like we have done a dozen of things for the preparation of the spa. Not that i am complaining but i now understand the feeling of people that are used to wake up early so that they can do more things.

For the Fitness area, Big Boss Vic showed me how to prep the gym area and how to maintain it.

Before the shift ended, Sir Anthony gave us the guidelines of the different components of the Spa for us to familiarize ourselves specially when asked for the services of the Spa. Telephone Phraseology for the Spa was also given so that we can receive calls properly.

It seems like Day 3 will be like an assessment day of what i learned from what buddy Leonell, Big Boss Vic and Sir Anthony taught me.

PS: I am starting to love the 530am shift. Seriously.

Monday, March 28, 2011

Pen Pal: Day 1

Its the first day being a trainee at the Pen. From the interviews, orientation, now comes familiarization and adjustments.

After each assignments were given and last minute briefings with the HR, now comes meeting the work, the superiors and the guests. I am thankful that superiors have a pleasant way in orienting us with the system inside the department. It did not gave me a hard time to be quite comfortable given that it was my Day 1.


Friday, March 25, 2011

Init.

Nakakapaso. Nakakatuyo.
Masakit sa ulo. Nakakahilo.

Umuusok.
Kumukulo.
Tumatagaktak.
Naglalagablab.

Nakaka-enganyo. Nakakadiliryo.
Sa gustong makipaglaro, Lapnos ang pwedeng kalbaryo..


Paspas

Kakaibang pakiramdam ang binibigay ng 'bilis'.
Nakaka-addict.
Nakaka-excite.
Nakaka-gulat.
Nakaka-pagod.

Para kang dinadala sa kung saan-saan. Nakakatuwa. Minsan, nakakadismaya.

Sa pagpaspas nito, winawala ka. winawala ka sa oras. sa araw. sa panahon.

Minsan titigil. pero hindi para ka makapagpahinga. titigil ito dahil gusto niya. parang biglang-break ng jeep sa kahabaan ng EDSA.

Kailangan nakakapit ng mahigpit. Alerto sa paghinto. Kung hindi, titilapon ka. Para kang itutulak palayo. Itatapon ka sa kawalan. Kailangan kumapit bilang tanda na kahit pinapaspasan ka ng mundo, hindi ka nakakalimot sa sarili, sa pamilya, at sa mga taong nakapalibot.

Sa sobrang bilis, pati paghinga, baka makalimot ka.

Paano na kung biglang bumagal o mas malala, huminto..? Parang aircon na biglang pinatay... Parang saksakan na biniglang hugutin...

Paano na?

Tuesday, January 18, 2011

hey you.



hey you sitting at the corner. what happened? last time i checked, you have everything. youre studying in a "prestigious" school, enjoying a privileged life. you have someone that you love (even showing affection publicly amidst their judgmental looks).

now, you are always alone. sipping that burning venti cappuccino while reading geeky things. why so lonely and quiet? why have that look? it shows you had a failed relationship.

did the person left you? or you pushed the person away?

i just wish you still find that "someone" that maybe, has taken away from you, or you pushed that "someone" away from you. second chances are earned. so get up and go bring home the bacon.


Anlamig

Ang lamig. grabe.
hindi ako nag-aircon buong gabi.
nakajacket ako kahit tanghaling tapat.
nanunuyot na yung lalamunan ko.
hindi ako maka-iced tea.
naninigas.
pinagpapawisan ng malamig.
madaling lumamig ang kape.
nakakaihi.
nakaka...

anlamig.

Friday, January 14, 2011

On strawberries and education

I was having a small chitchat with a good ol' friend a while ago in school. kamustahan and all. and surprisingly, we both learned new things with our conversation.

napuntahan namin ang topic about college life and how it varied generation to genereation. we both agreed na mas maganda ang kalidad ng college education nung panahon ng mga magulang natin (after WWII). hindi tinitignan sa pangalan ng skwelahan ang kakayanan ng isang alumni nito. nakakalungkot dahil sa generation ko, tinitignan na sa kolehiyo o university mo ang ugali o mga kakayanan mo o worse, ang pagkatao mo.

then, napunta kami sa kung paano nag-aaral o nagsisipag ang mga estudyante noon, ngayon, at yung mga susunod pa. nahahati ito sa tatlong generation.

noong generation pa ng mga magulang natin, walang internet, cellphone, social networking sites, at gimikan na patay sindi ang mga ilaw. developing phase pa ito ng pilipinas at "from scratch" ang paraan ng pag-aaral. ang Positive side nito, masipag, at natututo sila maging madiskarte.

sa panahon ko, lahat ng bagay ay nasasapian na ng technology. nagsilabasan na ang cellphone, email, internet,...at nawawalang bahala na ang library at payphone sa school. dati nagiipon ako para makabili ng PLDT Fonkard Plus na amoy Lucky ME Supreme para may pantawag sa bahay. naramdaman ko na naging magaan ang buhay dahil dito pero naging tamad, minsan mangmang, sa mga bagay na dapat pinagsisipagan at inaalam. positive side nito, nakikita ang pagkakaiba ng dalawang bagay at mas lubos maiintindihan kung bakit meron nito sa ating buhay.

ngayon generation, lahat mabilis na, nilamon na ng techonology ang tao. positive nito, napabilis ang research, pagtago at pagbuo ng mga reports sa pag-aaral, mas mabilis na pakikipagugnayan sa mga tao atbp. kaso, hindi na napapansin si library ng karamihan sa mga estudyante, nangangalawang na si payphone, at nagiging copy-paste na ang research.

maihahalintulad natin ang mga taong ito sa mga ibat-ibang henerasyon sa isang strawberry farm.

The Farmer: sila ang mga magulang natin. hinubog ng dekalidad na edukasyon despite the fact na telepono na ang pinaka-in na gadget noong panahon na iyon. they can nurture us with their experiences with the way education goes in their time.

The Seeds: iyon ay tayo. ang nabuhay sa pagsapi ng technology sa lahat ng bagay at lahat ng nasa developing stage. may mga karanasang katulad ng sa ating mga magulang noong nag-aaral pero nakikisabay sa bumibilis na panahon at ang mga kamaliang pwedeng magawa ay kaya pang maayos sa tulong ng "Farmer" o ang ating mga magulang.

Strawberries: sila ang mga generasyon ngayon. maganda tignan. makulay. dahil sa bilis ng takbo ng buhay, lahat sa kanila ay magiging madali. na kapag dumating na ang oras na sila ay hindi pinili at walang mapupuntahan, sila ay mabubulok lamang. ang masaklap, pwede silang makihalo sa mga bunga na napili at kapag sila ay nakain, ay pwedeng magdulot ng sakit sa lipunan.

at dahil diyan, maghahapunan na ako.

:)

Thursday, January 13, 2011

Talkpad

ganito pala kapag magsusulat ka ng blog,. andami mong gustong i-type o sabihin pero hindi mo mailabas. kung sino man ang makakakita o makakabasa nito, pasensya na. siguro ganito talaga pag tumatanda...kapag may mga iniisip, nakakalimutan agad kaya kailangan i-record. salamat sa technology at hindi na kailangan isulat sa diary. HEEE.

dear talkpad,

malamang hindi kita masyadong malalagyan ng entry, siguro makakalimutan ko after a few months. pero i feel na magagamit kita sooner or later. so there.

Welcome to my routine, talkpad.

wars

Test

Test 1. 2. 3.