Sa bawat salitang bibigkasin, gamilyong emosyon ang laman nito.
Sa bawat upod ng enerhiya ng ating katawan, saya o dismaya ang katumbas.
Sa bawat oras na pumapatak, unti-unting nadadagdagan ang takot at kaba.
Sa bawat sitwasyon na dumarating, lahat ng mga naunang nabanggit
Tuesday, February 28, 2012
Friday, February 24, 2012
Bente-Tres
1. Ang galing mo, masaya ka na kahit alam mong kagagawan mo ang naging mitsa ng desisiyon kong maging mag-isa.
2. Magaling kang bumawi, pero magaling mo ring sinisira ang iniingatan mo. Kadalasan nawawala mo pa.
3. Siguro naman, natuto ka na. Na kapag binigyan ka ng pangalawang pagkakataon, umayos ka na. Kasi hindi mo masisiguradong sa pangalawa, pangatlo, o sumunod na pagkakataon na ibibigay sayo ng taong sinaktan mo, siya pa rin talaga ang taong nakilala mo.
4. Hiling ko lang, itigil mo na yung ugali mong nambabaliktad ng sitwasyon. Sobrang sakit talaga. Nakakawala ng pagkatao. Kung hindi mo man matigil, bahala ka na. Matanda ka na eh.
5. Pangit sayo magtopak na parang bata. Eh sa ganun ka talaga. Wala na akong magagawa dun. Sa haba ng pasensya ko, pati iyon nawasak mo.
6. Matalino ka. Nagtapos ka sa ano. Pero minsan sablay ka sa mga bagay na ginagamitan lang ng common sense. Take note of that.
7. Bawasan mo yung pag-seself-pity mo.
8. Been-there-done-that ka na. oo, kita naman yun. Pero hindi iyon katanggap-tanggap na gamiting dahilan para malusutan ang pagkakasala mo.
9. Ikaw ang nakagawa ng multong kinakatakutan mo. Ayan, minulto ka tuloy.
10. Na-inform na ba si pare? Kung hindi pa, isang malaking GOOD LUCK, GODSPEED, at BEST WISHES.
11.Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Isipin mo na ang gusto mong isipin. Paniwalaan mo na ang gusto mong paniwalaan. Bahala ka na.
12. Effort sayong umintindi. Mas umeffort akong intindihin ang pagiging kapos mo sa pagiintindi. Buset.
13. Alam mo ang mga bagay na pwedeng makasakit sa tao. Kahit sabihing may choice ka pa... Anyare?
14. Huwag mo nang gawing joke ang linyang "Break na tayo". Kasi ako, simulat-sapul, hindi ako nakipagbiruan sayo.
15. Salamat sa mga kaibigan kong sumuporta sa akin nung naipit mo ako sa mga sitwasyong hindi naman na dapat nangyari. Magpasalamat ka sa kanila.
16. Ginawan ko na pala ng malaking pabor si pare. Check mo. BULAGA! haha.
17. Swerte si pare ah, hindi niya mararanasan humiga sa papag. Wala naman sa akin yun kung tutuusin, kahit laki ako sa aircon, kaya ko matulog sa lapag.
18. Ipinalandakan mo sa buong sangkatauhan na ikaw ang lubos na nasaktan dahil ikaw ang iniwan. ang sakin lang... (read no.11)
19. Kung hahanapin ko kung nasaan ang patas, hindi ko talaga nahanap. Try ko na lang bumili sa grocery.
20. Man of science. Bullshit. Isa pa, sasabihin ko ng may diin. BULLSHIT.
21. Naalala ko, kapag meron kang bagay na nawala o hindi mo nakuha, iisipin mo na lang na nanakawan ka
. Gets na gets ko. Ganun lang pala yun. Saan kita pwedeng ihabla? haha.
22. Kung mga bandang august, september, october, o november, parati kayong nag-aaway ni pare... Alam mo na. Baka may something sayo. Pa-check-up ka.
23. Ok na. Mabuti ng masaya ka. Sa lahat ng nangyari, dala ko lahat ng natutunan ko. Nahiwalay ko na ang "ako" sa "iyo". Nahugot ko na ang pisi na nagtali sa "tayo". Ngayon, tatahakin ko na ang landas na ito ng solo.

Tuesday, February 21, 2012
CPR
Left here almost lifeless,
Left here almost useless.
Grasping every breath to live,
The cure is for you to give.
Your touch heal my deepest cut,
Your arms are my booster shots.
Your lips, my source of hope,
To live this life for you to own.
Left here almost useless.
Grasping every breath to live,
The cure is for you to give.
Your touch heal my deepest cut,
Your arms are my booster shots.
Your lips, my source of hope,
To live this life for you to own.
Sunday, February 12, 2012
Tren
Orasan ay tinignan,
Lumingon sa dako pakanan.
Hinihintay ang magdadalang sasakyan,
Para sa biyaheng hindi alam ang pupuntahan.
Dumating ang unang biyahe,
Maluwag pero may konting diyahe.
Matagtag at nakakahilo ang pagpapatakbo,
Bumaba agad ako at naduwal ng todo.
Dumating ang sumunod na biyahe,
Puno, siksikan, at nakakarindi.
Habang sa biyahe ay biglang nanakawan,
Lumabas ng pinto at umuwing luhaan.
Umupo sa isang tabi,
Nag-isip at nagmuni-muni.
Tumingin sa orasan at ako'y napangiti,
Dahil hindi pala kailangan magmadali.
Lumingon sa dako paroon,
Wala pa ang biyaheng tutugon.
Positibong hihintayin ang paparating,
Nakangiting inaabangan ang biyaheng para sa akin.

Friday, February 10, 2012
Henyo
Sana. Dumaplis sa isip.
Sana. Ako ang nais.
Sana. Tama ang nadarama,
Na ito rin ang nasa isip mo, sinta.
Sana. Ako ang nais.
Sana. Tama ang nadarama,
Na ito rin ang nasa isip mo, sinta.
Tuesday, February 7, 2012
Angat
Galing sa pait na sinapit,
Ako'y tumayo at bumangon ulit.
Nagising na may lumbay at lungkot,
Dahil sa dinanas na madilim na bangungot.
Gising na hinarap ang buhay mag-isa,
Kinakaya ang mga pagsubok kahit may pangamba.
Itinanim sa sarili na kahit anong mangyari,
May pag-asa na ako'y sumaya muli.
Sa kabila ng lahat ng walang kasiguraduhan,
Patuloy na nangangarap na ako'y mabiyayaan.
Nananaginip kahit ako'y may malay,
Para sa isang mapalad sa puso kong iaalay.

Sunday, February 5, 2012
Alon
Minsa'y naranasang maitapon sa dagat,
Mabuti't kahit papaano ay nakaangat.
Hininga'y hinabol at labi ay kinagat,
Sa tinding hirap at pagod na sa akin kumagat.
Walang salbabidang sasalba,
Dahil lumubog ang sinakyang bangka.
Lumangoy sa dagat ng lumbay at pag-iisa,
Na sana'y makarating patungo sa isla ng pag-asa.
Pag-ahon galing sa dagat na malupit,
Nagawang magpahinga at makapag-isip.
Maraming napagtanto sa saking sinapit,
Mapalad ako at may malay na akong nakamit.

Subscribe to:
Posts (Atom)