Saturday, July 30, 2011

Sisid

Sa una'y takot ang nadarama,
dahil baka malunod at ma-trauma.
Hindi ko pa lubos maintindihan kung bakit,
ngayon lang nasarapan lumusong ulit.

Lakas ng loob aralin muli,
para rin sa ikabubuti ng sarili.
Pinalampas ang dati'y pagkakataon,
hinahabol sa pangalawang pagkakataon.

Agos ng tubig tila nangaanyaya,
inaakit at nanunuksong magtampisaw at magpakasasa.
Tandaan lamang lahat ng natutunan,
Para swabe ang kahihinatnan.

2 comments:

  1. pangatlong pagkakataon mo na yan....hahahahaha! congratulations! ngayon mo lang na-realize na masarap magswimming!

    ReplyDelete
  2. breast stroke at freestyle pa lang yung pinapatrain sakin.....

    ReplyDelete