Sa kabanatang itong hindi alam kung ano ang sigurado.
Simpleng mga bagay ang nais, ngunit bakit kumplikado kung ituring?
Dahil ba hindi kapani-paniwala o dahil ba hindi kaaya-aya sa pandinig?
Pinili ang landas na ito dahil kailangan siguro.
Mga bagay na dapat mag-isa kong harapin para matuto.
Tibay ng dibdib, baga, sikmura at iba pa ang sinasanay,
Maging matatag lang sa mga bagay na babayuhin ka ng tunay.
Kapalit ng mga ito ay sakit, hapdi, pasa, at luha,
Na sana ay ang resulta nito'y kilig, ngiti, saya, at ligaya.
Sa ngayo'y mukhang mangmang at parating tulala,
Aligaga, nawawala, at nakanganga.
Humihiling sa darating na panahon makaahon,
Bago pa malunod at anurin na ng alon.
No comments:
Post a Comment