Sunday, April 8, 2012

Kilometro 22

Sa mga aking napagdaan, wala ng maibabalik pa,
Sana ay pwede maitama, pero siguro ang paraan ay iba.
Pakiramdam ay may halong lungkot at saya,
Dahil na rin nabubuhay sa mundong patas ay wala.

Lungkot dahil sa mga dinanas na sakit,
Pisikal, emosiyonal, personal.
Mga aral ay minsay hindi natuto,
Pero unti-unti ko na itong nasasaulo.

Saya dahil sa kabila ng lungkot,
Mga taong malapit sa puso ay andyan para sumundot.
Ipaalala na sila ay nandiyan,
Kahit na saktan ka nino man.

Ngayong nasa sitwasyong ang may hawak ng manibela ng buhay ko ay ako,
Ang parati ko lang iniisip ay kung paano ko nalagpasan ang mga naibigay sa aking kalbaryo.
Alam kong hindi ko malalagpasan ito ng wala ang mga taong nagpapayo at patuloy na nagtuturo,
Kaya ako ay nagpapasalamat at talagang pahahalagahan ko hanggang sa huling hininga ko.

No comments:

Post a Comment