Wednesday, August 29, 2012

Masaya ako sa mga taong alam kong nakamit nila ang positibong kaligayahan. Yung pakiramdam na nakikita silang kinikilig, secured, kumpleto kahit ganito kagulo ang mundo.

Kung naging makasarili talaga ako, tatanggapin ko kung hindi pa ngayon kung ito man ay ang kabayaran ng desisiyon ko.

Pero ginawa ko ito dahil kung hindi ako nagdesisiyon para piliin ang sarili ko, hindi ko mararamdaman na importante ako sa piling ng pamilya, at mga tunay na kaibigan.

Tao lang ako, nakakaramdam ng inggit. Na-ffrustrate. Lutang kung minsan. Inaalagaan ko naman sarili ko. Alam kong kung may kulang pa sa akin, siguro yung pagiging stable ko sa career? Hindi rin.

Kulang. Hindi eh. Masyadong negative. Ayoko kaawan sarili ko kasi wala namang dapat kaawaan. Hindi rin naman magandang maging sobrang proud dahil hindi ako gaanong tipo.

Hilig ko ata makisawsaw sa hang-ups ng iba. Sabagay, learning experience din. Haha

Hay. Buhay.. Life is like a rock. Its hard. Bullshit.

Kung sino ba ang taong naging mabuti, siya pa ba ang madurusa ng ganito? Hindi ako nanunumbat. Hindi.

Ok. Fine. Kailan kaya magiging ako na uli? Yung ako lang. At ako na lang uli.

No comments:

Post a Comment