Sunday, October 14, 2012

10-14-12

Isa akong hangal. Isa akong taong ipokrito. Mahina. Kinakain ang salita at walang paninindigan sa buhay.

Oo at isang malaking aral ito sa akin na mayroong ganitong mga tao. Nakuha kong kapag ito talaga ang gusto ng tao, wala kang magagawa kahit ipilit mo o kahit ibigay mo ang anumang galing mo.

Nabahiran na ang aking pagkatao. Hindi ako malinis. Isinusuka ako ng katawan ko. Nahati ngayon ang kaibigan kong maprinsipyo at malinis ang tingin sa sarili at ang bagong kaibigan kong mahina, marupok, tanga, bobo, inutil, at walang pakielam.

Nararamdaman kong malaki ang isisingil sa akin ng tadhana pagkatapos ng nangyari na ito. Tumatanda ako pero pagod na akong husgahan ang sarili ko sa mga nagagawa kong alam ko ay kaya kong hindi gawin at kayang supilin.

Kasalanan ko ito sa sarili ko, madrama na kung sasabihin mo pero ganun talaga. Nilalaro ang mga sitwasyon pero ang totoo ay nilalaro ako ng sarili ko para maging mapaglaro, maging mapangahas na kahit ang nakataya dito ay ang buhay ko.

10/14/12

No comments:

Post a Comment