Buhay naman ako kahit single.
Iba ito kaysa doon sa single ka pero wala ka pang karanasan makipagrelasyon.
Hindi siya malungkot kung tutuusin.
Buti na lang hindi lahat ng bagay nakahaain na sa akin.
Kailangan ko talaga pagpaguran lahat. Trabaho. Pamilya. Sarili.
Yung sa paglandi, mas madali siyang hindi gawin kaysa gawin.
Hindi mo na kailangang ibenta ang sarili.
Tahimik pa ang buhay.
Payak. Simple.
Mag-isa. Pero hindi malungkot.
No comments:
Post a Comment