Alam kong napagod ka,
umiyak, nangayayat.
Hindi ko alam bakit ba,
Sinaktan ka ng sobra.
Mabuti kang tao,
Pesensya'y walang makakatalo.
Kung magmahal ay todo,
Hindi nakasakal at totoong totoo.
Lakas mo'y hindi matatawaran,
Pagtitiis mo'y sukdulan.
Kung makayakap ka'y ramdam sa laman,
Halik mo'y tagos sa kaloob-looban.
Kung wala ka, hindi ako nabuhay,
Pangakong sasamahan ka hanggang hukay.
Paninindigan kita't poprotektahan,
Hanggang sa ika'y masigla na't ganahan.
Magpahinga ka muna at akong bahala,
Sagot kita saan man tayo gumala.
Hindi kita hahayaang lapastanganin muli,
Dahil sabay na tayong mananatili.
Isang sampal, tatlong suntok,
Lahat ng paraan ng pag-amok.
Lahat ito ay gagawin ko,
Para ika'y handa sa pag galing mo.
No comments:
Post a Comment