Thursday, January 12, 2012

Tayo-tayo

Bagong hango galing sa karagatan,
Bagong pitas galing sa sisidlan.
Akala'y kaya na ang sarili,
Umpisa pa lamang ito't hindi pa ang huli.

Naging mapusok noong unang taon,
Pero nang kalaunan ay hindi lumaon,
Nawalan ng gana at gustong tumakas,
Hinahanap ang kulang para lumakas.

Pumusta sa bagay na walang kasiguraduhan,
Lakas lang ng loob ang puhunan.
Ipinabahala na lang kay batman,
Na sana ang gusto ko'y makamtan.

Nagbukas ang pinto sa bahay ni kuya,
Dose tayo kung itatantya.
Ramdam ko ang ating pagkakaiba,
Pero lahat ay mukhang masaya.

Bagong kabanata ay nag-umpisa,
Sa isa't-isa ay umaasa.
Hanggang uwian nag-sama-sama,
Ako'y unti-unting sumasaya.

Sa araw-araw na ginawa,
Nagsisilabasan ang tunay na mukha.
Unti-unti ng nasasala,
Ang bulok sa sariwa.

Umabot na sa puntong walang ng ikukubli,
Pero nagulat akong merong tayong pag-iintindi.
Respeto sa isa't isa'y matindi,
May sumablay lang ng konti.

Ito ang aking paraan,
Upang kayo ay isa-isang pasalamatan.
Rebulto man ay gagawan,
Dahil kayo pala ang pumuno sa kulang.


[A]
Ikaw ang aking kabaliktaran,
Kaya ramdam sayo ang kalayaan.
Hanga ako sa iyong kakayahan,
Tibay at pasensya sayo ko naramdaman.

Hindi pumalya ang iyong mga tenga,
Hindi pinalampas ang bawat salita.
Mga payo mo laging ginugunita,
Para ako'y hindi bumigay at magiba.

Naranasan ang dalisay na kabaitan,
Purong-puro at walang halong kalokohan.
Hirit mo'y ako ay nahihibang,
Kaya lahat para sayo'y ibibigay ng lubusan.


[D]
Ikaw, babae, aking kasama.
May pasok man o wala,
Magkapitbahay pala ang drama,
Kaharian na ito ako'y hindi na nag-iisa.

Tahasan ka kung magsalita,
Totoo ito at sampal sa mukha.
Lakas ng loob sayo ko nakuha,
Para ang katotohanan ay harapin ng may mukha.

Kagagahan mo'y aking kasiyahan,
Inggit dahil walang bayag para gawin yan.
Pero sarili ko sayo ay inaalay,
Kahit anong oras kaakibat mo sa buhay.


[ARV]
Noong una'y ikaw ay kakaiba,
Hanggang ngayon nama'y wala namang na-iba.
Medyo matagal bago ko nakuha,
Pagiging iba mo sa ating pagkaka-iba.

Napapatawa mo ako sa iyong kamangmangan,
Dahil nakikita ko sayo ang dapat kong naranasan.
Pagpupursigi na alagaan ang katawan,
Talagang PAK na PAK kung titignan.

Kapatid sa ating pananampalataya,
Ako'y nagbibigaypugay sa iyong ganda.
Ingatan ang sarili dahil ika'y bentang-benta,
Mahal kada kilo mong pagiging iba. :)


[JNL]
Pare, saludo ako sayo.
Taas noo pati dalawa kong ulo.
Sayo'y ramdam ko ang pakikitungo,
Hindi mapanghusga at hindi gago.

Pasensya noong una ay hindi binunyag,
Aking malupit na sikreto na makamandag.
Natakot lang na baka tingin ay mag-iba,
Pero ika'y iba pala at hindi katulad nila.

Sana ay hindi pa ako huli,
Sayo ko ramdam ang aking kabilang bahagi.
Ipagbigay alam mo lang ang iyong minimithi,
Agad-agad nandyan para magbigay ng mungkahi.


Kayo ang dahilan para ako'y pumasok sa araw-araw,
Pumasok ng may gana, libog, at giliw.
Maraming natutunan at naintindihan,
Para masabi kong buhay kolehiyo ko'y meron talagang katuturan.

Paghihiwalay ng landas ay panandalian lamang,
Salamat sa teknolohiya tayo'y pwedeng mag-kontakan.
Ihanda na ang pang-binyag, kasal, at mga kaarawan,
Gunitain natin ang buhay ng magdamagan.

Mahal ko lahat kayo,
Walang halong biro.
Isa lang ang hiling ko,
Ituloy na natin ang TAYO-TAYO!

No comments:

Post a Comment