Galing sa pait na sinapit,
Ako'y tumayo at bumangon ulit.
Nagising na may lumbay at lungkot,
Dahil sa dinanas na madilim na bangungot.
Gising na hinarap ang buhay mag-isa,
Kinakaya ang mga pagsubok kahit may pangamba.
Itinanim sa sarili na kahit anong mangyari,
May pag-asa na ako'y sumaya muli.
Sa kabila ng lahat ng walang kasiguraduhan,
Patuloy na nangangarap na ako'y mabiyayaan.
Nananaginip kahit ako'y may malay,
Para sa isang mapalad sa puso kong iaalay.
No comments:
Post a Comment