Orasan ay tinignan,
Lumingon sa dako pakanan.
Hinihintay ang magdadalang sasakyan,
Para sa biyaheng hindi alam ang pupuntahan.
Dumating ang unang biyahe,
Maluwag pero may konting diyahe.
Matagtag at nakakahilo ang pagpapatakbo,
Bumaba agad ako at naduwal ng todo.
Dumating ang sumunod na biyahe,
Puno, siksikan, at nakakarindi.
Habang sa biyahe ay biglang nanakawan,
Lumabas ng pinto at umuwing luhaan.
Umupo sa isang tabi,
Nag-isip at nagmuni-muni.
Tumingin sa orasan at ako'y napangiti,
Dahil hindi pala kailangan magmadali.
Lumingon sa dako paroon,
Wala pa ang biyaheng tutugon.
Positibong hihintayin ang paparating,
Nakangiting inaabangan ang biyaheng para sa akin.
No comments:
Post a Comment