Hindi ako naging masaya sa pangkalahatan ng pinasok ko (o kung saan ako napuntang oragnisasiyon).
Hindi ko nakuha ang mga sa tingin kong dapat kong matutunan in terms of skills.
Hindi ko naramdaman ang pagiging sincere ng mga tao sa pakikipagkapwa-tao sa mga bagong salta sa kanilang grupo.
Hindi naging magkaparehas ang naging konsepto ko ng respeto sa kanilang konsepto ng respeto sa kanilang trabaho.
Naranasan ko matikman ang pangmamaliit sa akin bilang nagsisimula pa lang.
Tanggap ko na malupit ang realidad ng trabaho. Masakit. Malupit. Nakakapanlumo. Pero hindi ko ito tatanggaping dahilan para itigil ang mga gusto ko, masira ang prinsipiyo ko, at plano ko sa buhay.
Tamang hindi ko kaya makipagsabayan sa kanila, dahil siguro sa mga bagay na hindi talaga magkatugma sa akin at sa kanila.
Pero sa lahat ng ito, may mga ilang bagay akong natutunan at sa kalaunan ay tinanggap sa aking sarili na nagmulat sa akin para maging matatag at tatagan pa lalo ang aking sarili sa pagtattrabaho at sa buhay.
Natutunan kong magkaiba ang nagtitiis sa nakikisama.
Natutunan kong ang pasenya, kahit sobrang haba, aabot at aabot din sa sukdulan.
Natutunan kong huwag lumaban ng wala sa hulog.
Natutunan kong hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ang araw mo.
Natutunan kong manatili maging tao sa kabila ng lahat.
Natutunan kong ang sobrang pagtitiis ay hindi maganda.
Natutunan kong mag-isip muna bago magsalita.
Natutunan kong maging mapagmatyag sa lahat ng bagay na nasa harapan ko.
Nakuha kong tanggapin na may meron paring masasabing hindi maganda ang tao sayo.
Sa kabila ng lahat ng ito, dito ko mas nakilala ang aking sarili sa ngayon. Ang mga bagay na kaya kong gawin, ang mga hindi ko kayang gawin, ang mga bagay na pwede ko matutunan gawin at tanggapin kahit mahirap para sa akin.
Dito ko rin nakita na ako ay pinagpala parin dahil sa simula't sapul ay marami akong options sa buhay. Hindi man ito mga best options, pero hindi ito magiging hadlang sa akin para makamit ang buhay na tahimik, simple, marangal, at mabuhay ng hindi naghahangad ng sobra-sobra.
No comments:
Post a Comment