Sunday, February 9, 2014

Dahil hindi ko matatanggal ang mga ugali mo sa akin, wala na akong magagawa.

Kung nasa plano mo talagang pahirapan ang bawat isa sa amin, wala kaming magagawa.

Dapat matuwa ka, dahil hindi nga kami nalugmok sa hirap ng walang pera, nilugmok mo kami sa mga bagay na dapat ikatatatag ng mga sarili namin. Yung tingin namin sa sarili. 

Kung mababa ang tingin mo sa amin, ganun din naman sa aming mga sarili. Dahil din mababa ang tingin mo sa sarili mo at sa kakayahan ng mga anak mo.

At kung sakali mang makaraos kami sa panandaliang ginhawa habang may oras pa kami sa mundong ibabaw, ipagpapasalamat namin iyon sayo. Pero mas ipagpapasalamat namin iyon sa aming mga sarili, aming mga kakayahan, at mga taong hindi man namin kadugo natinulungan kami at inintindi.

Kung dumating man ang oras na kailangan mo ng tulong at nalugmok ka sa sarili mong mga desisiyon, wala akong magagawa.

No comments:

Post a Comment