Tuesday, July 29, 2014

Ganda

Maganda ako, sabi ko.
Maganda ako kumpara noon.
Suplado ako kasi maganda ako.

Maayos ako magtrabaho dahil maganda ako.
Nag-uuwi ako ng trabaho dahil maganda ako.
Nag-oovertime ako dahil maganda ako.

Magmaldita man ako, maganda naman ako.
Minimum wage man ako, maganda naman ako.

Maganda ako kapag nagbibigay tayo ng oras sa isat-isa.
Pero mas maganda ako kapag hindi mo ako binibigyan ng importansya.

Kaya wag magmaldita sa akin.
Huwag rin maging atribida sa akin.
Dahil sa umpisa, pakitungo ko ay kay ganda.
Pero ang pagbigay sa akin importansya ay parang nawawala.


No comments:

Post a Comment