Mahirap naman talaga ang buhay. Dapat maintindihan mo na yan dahil hindi ka tumatanda.
Konting sarap, nakakalimot sa sarili. Konting hirap, bulakbol at quit agad nasa isip.
Ikaw na ang may problema, Warren. Hindi na sa karanasan na ginawa ng nanay mo, sa bigat na naipasa sayo ng kuya mo, sa katangahan mo sa lovelife, at sa pride mo na hirap na hirap kang lunukin.
Oo, andun ka na sa pagttyaga ng pakonti-konti. Tinutulungan ka na ng mga kaibigan mo. Tulungan mo naman sarili mo.
Alam ko malungkot ka na for the longest time. Hindi ka rin binigyan ng pagkakataon makuha ang gusto mong marating sa paguumpisa ng buhay maytrabaho dahil sa mga pinagdaanan mo. Pero hanggang kailan ka ganyan?
Para sayo din ito lahat. Oo, lapitin ka sa kupal na mga tao at gusto mo namang mabawasan o kung pupuwede, mawala sila. Pero ito ang buhay, Warren. Nuubos na baga mo kakaisip kung anong gagawin. Hindi ba pwedeng isipin mo rin naman kung paano mo papahalagahan kung anong meron ka?
Mag-tiis ka Warren. Magpasensya. Kahit maraming pasensya na ang naibigay mo sa mga sitwasyon na ikaw pa rin ang natalo. Ngayon, pagpasensyahan mo ang sarili mo. Iwasan mo maging pasaway.
Matutunan mo pahalagahan ang natatanggap mo at kung ano ang meron ka. Huwag masyadong mataas ang pangarap agad.
No comments:
Post a Comment