Mahirap ngumiti kapag nakikipaglaban sa sakit habang puspusan kang nagtatrabaho. Kailangan ko lang naman, pagiintindi at kunsiderasyon. Alam ko na mali ko parin na hindi bumati at dahil doon, ako ay humingi ng despensa. Sa pag-aakalang naintindihan ako sa naturang sitwasyon, akala ko ay hindi na siya suliranin. Pero mali pala ako. Ang masakit lang, naituring na sinasadya ang nangyari at nailarawang parang ako ay isang ingrato at walang utang na loob. Masakit. Dahil sa kabila ng pagod, puyat, pagpupursigi, pagpapasensya sa mga makukulit at walang modong mga parokyano, mapapahagingan ako ng isang pagkakamali na parang hindi ako humingi ng paumanhin at hindi nagpaliwanag ng maayos.
No comments:
Post a Comment