Sunday, June 19, 2011

Belat

Hindi mo man ako maalala,
O ayaw mo man ako maalala.
Ako ang nakaraan na nagpapaalala
Na minsan ay sinaktan mo ng sobra.

Swerte ko, Malas mo.
Masaya ako at ngayo'y buong-buo.
Ikaw itong namamalimos sa kanto,
Pagmamahal na taus-puso.

Landas ma'y minsang nagpapangabot.
Na hindi mo malay at abot.
Kita ko sayo'y nagnanaknak ng lungkot
Habang sa piging ay pakembot-kembot.

Sa panahong mabilis ang balita,
Kita pa rin ang dating mong ginagawa.
Wala kang bayag na maipakita,
Duwag ka't hindi makapagsalita.

Pareho tayong tumatanda.
Swerte kong ikaw ay nauna.
Dahil ako'y tumatandang puno ng pag-asa at saya,
Habang ika'y nagpapakasaya mag-isa.

Kahit san ka man mapunta,
magpakawala, magpakasasa.
Sumpa ko sayo'y sinusundan ka't lalamunin ka,
Hanggang sa harap ko'y lumuhod ka't magmakaawa.

No comments:

Post a Comment