Ang hirap maniwala kung naloko ka na.
Ang hirap maniwala dahil mailap ang kung ano ba ang totoo.
Ang hirap maniwala sa magagandang bagay.
Ang hirap maniwala na mapapanatag ka at hindi lolokohin.
Ang hirap.
Madali maniwala sa mga bagay na nakakasakit. Sa mga lait. Sa mga negatibo.
Dahil ba ang mga ito ay totoo at wala ng ikatotoo pa kundi sa mga bagay na masakit at mapait?
Ang hirap.
No comments:
Post a Comment