Kay ganda ng tanawin,
Isang anghel sa paningin.
Kumikislap ang mga mata,
Ngiti ay talagang nakakadala.
Biyaya ito at ipagpasalamat,
Dahil ika'y pinagpala naman.
Ngunit may napansin sa isang banda,
Nalungkot at nagulat sa mga nakita.
Sablay ng minsan, ok lang.
Ngunit naulit, teka lang.
Tao lang at salbahe kung minsan,
Kasutilan ay hindi napagilan.
Lumabas ang ugali, akoy nasayangan,
Dahil kahit ang iba'y sayo'y may naransan.
Kagaspangan ng ugali iyong taglay,
Pero talino mo ay saan nakalagay?
No comments:
Post a Comment