Huwag ka na ngang mag-ilusyon.
Hindi ka kagandahan.
Pangit ng hitsura mo. Pangit ng buhok mo. Naninigarilyo ka. Hindi ka stable career-wise. Masyado kang simple. Hindi ka sosyal. Wala ka sa pedestal. Hindi ka nababagay sa mundo nila. Wala kang kwenta. Kahit anong bilhin mo o isuot mo, hindi ka parin magiging tulad nila.
Hindi ka pa ba natututo?! Hindi nila kailangan ng busilak na puso, aanhin nila yun sa kung anong gusto nila sa fairytale nila? Pang-komiks ka lang sa tabloid. Dun ka sa cheap dahil cheap kang tao. Wala kang class. Lumalangoy ka sa sobrang kasimplehan.
Tigil-tigilan mo na ang pag-iilusyon mong makakilala ng tulad nila. Pinatikim ka lang nila. Nabunot ka sa raffle pero ang premyo mo consolation prize.
Dun ka sa mga gamol. Or better yet, mag-isa ka nalang. Dahil pangit ka.
Hindi pa uso ang mga kagaya mong mabait pero pangit.
Kahit maging stable ka, gumanda ang katawan, maging straight ang buhok, matapos ang braces, o tumugil manigarilyo, pangit ka parin. Pangit ang hitsura mo. Isa kang askal. Cute pero may mas ok na aso kasi may breed.
Gusto ka nila kasi mabait ka. Yun lang. Hindi naman maganda sa paningin mukha mo. Hindi ka biniyayaan ng magandang genes. Youre just too plain. Yung dinadaandaan lang. Kung titignan man, ang papatol yung mga pangit din o desperado.
Kaya itigil mo na mag-ilusyon. Hindi ka bagay sa kahit sino. Pangit ka.
No comments:
Post a Comment