Mahalaga ang bawat salita,
Mahalaga ang bawat ipinapakita.
Bilang ang bawat kilos,
Para hindi padalos-dalos.
Mga bagay na sa iba ay hindi kawalan,
Pero ang totoo ay masakit kapag ninakawan.
Hindi dahil sa pagiging maramot,
Pero ito'y dahil sa pag-iingat sa pagdurusang masalimuot.
Mahiwaga ang yakap na mahigpit,
Sagrado ang matamis na halik.
Kalakip nito'y puso at kaluluwa,
Para sa karapat-dapat na timawa.
Kutiyain niyo man at tawanan,
Pero hindi na agad malalapastangan.
Sarili ay matiyagang iniingatan,
Dahil busilak na puso sa sarili'y inaalagaan.
No comments:
Post a Comment