Malaman ang mga salitang "hindi ko alam",
Madalas ito ay gintong pabalat sa katotohanang kasuklam-suklam.
Bawat katas nito ay masebo, mamantika, at nakakataba,
Na pwede mong ikahilo at ikabara ng ugat sa puso mong nangangamba.
Magkasing-tulad rin nito ang salitang "muna",
Ginagamit kapag nagdadalawang-isip o hindi handa.
Nagpadalos-dalos siguro sa ginawang krimen,
Hindi malaman kung paanong lusot ang pwedeng gawin.
Isa pang malapit ng matuklap ang balat sa laman ang salitang "sorry",
Gasgas man kung maituturing, 'sing sarap gamitin dahil madaling bigkasin.
Madaling gamitin sa mga sitwasyong malinaw na nangyari,
Mahirap tanggapin kapag ang epekto nito ay malabo sa paningin.
No comments:
Post a Comment