Wednesday, March 7, 2012

Sisi

Isampal sa akin ang lahat.
Itusok sa akin ang sakit.
Ipalamon sa akin ang pait.
Ipagduldulan sa akin ang mali.

Hindi pinili ang gusto ipilit,
Tinanggap ng may kaba sa babalang sinambit.
Pinilipit ang sarili para hindi maging makulit,
Para hindi masuya at hindi mainis.

Hindi alam ang lagay ng sarili,
Dahil hindi alam kung saan mananatili.
Sa pag-asa at tuwang dinanas nung umpisa,
O sa pagsisimula muli umasa sa wala.

No comments:

Post a Comment