Wednesday, March 14, 2012

Para-paraan

Maraming pwedeng paraan.
Basta gusto, kahit saglit ay may nakalaan.
Maraming pwedeng paraan.
Dahil hawak kamay na ang hinahanap na kasiyahan.

Maraming pwedeng paraan.
Bakit mo pa hinayaan?
Maraming pwedeng paraan.
Ika'y tutulungan naman.

Maraming naging dahilan.
Hindi naman iyon maikakaila.
Maraming naging dahilan.
Naintindihan naman at naghintay ng matyaga.

Maraming naging dahilan.
Bakit nagiging ganito?
Maraming naging dahilan.
Anong nangyari dito?

Maraming naging dahilan.
Tinanong ka ng marahan.
Maraming naging dahilan.
Sagot mo ay hindi mo alam.

Maraming naging dahilan.
Kalakip ng paumanhing hindi mawari.
Maraming naging dahilan.
Malakas na ang kutob ko sa mga susunod na mangyayari.

Maraming naging dahilan.
Natural na mag-isip at umasa.
Maraming naging dahilan.
Dahil nag-iwan ka ng ala-ala ng pag-asa.

Maraming pwedeng paraan.
Pero iyon ay ikaw na ang bahala.
Maraming pang dahilan.
Unti-unti na akong namamanhid at nawawalan ng gana.

No comments:

Post a Comment