Friday, December 9, 2011

Simula

Sana ito na.
Dapat ito na.
Dahil kung hindi pa.
Baka hindi matuto na.

Isa hakbang. Isang hinga.
Buti ang panaho'y nakisama.
Sa ngayo'y walang kasama.
Takdang oras siguro ay meron na.

Unti-unting tapusin.
Mga gabing salat sa pansin.
Sarili ay dapat linisin.
Mga dumi ng kahapon ay alisin.

Kaba ng bukas ay paparating na.
Paghahanda ay dapat ngayon na.
Kung paano ba o anong kailangan pa?
Basta lahat iyon ay ngayon ang simula.

No comments:

Post a Comment